Yohan
Hinila ko sya na parang bang kailangan naming mag madali. Ang totoo ay napakabilis ng tibok ng puso ko. Hawak ko ang kamay nya habang mabilis na nag lalakad palabas ng maingay na bar. Sumulyap ako sa kanya na nakatingin sa mga kamay naming mag ka hugpong. Nakatitig sya doon na parang nasa isang panaginip sya. Muli kong ibinalik ang mga mata sa daan at ng makarating kami sa parking lot ay akma ko syang ipapasok sa loob ng kotse pero nag protesta sya at pinilit na sa kotse nya kami sumakay at sya ang mag da-drive.
“Woah!” Hiyaw nya habang mabilis na pinapatakbo ang sasakyan. She’s so careless, na kahit na ang traffic rules ay wala syang pakialam. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakangiti at nakatingin sa daan. Napakaganda nya habang nililipad ng hangin ang mga buhok nya.
Nanlaki ang mga mata ko at napahawak sa gilid ng upuan ko ng muntik na kaming mahagip ng isang truck, sumigaw pa ako pero tumawa lang sya at saka iniliko ang sasakyan para hindi namin masalubong ang malaking truck.
“Dahan-dahan naman!” Saway ko sa kanya. “Gusto mo bang mamatay tayo?” Mataman ko syang pinagmasdan. Tumatawa sya ng malakas habang unti-unti binabagalan ang takbo. Nawala rin ang ngiti sa mga labi nya at naging seryoso ang mukha nya.
“Bakit ba ang mga tao takot mamatay?” umpisa nya. “Alam naman natin na hindi natin lahat maiiwasan yun. Isa yun sa hindi mag babago sa mundong ito…lahat tayo mamamatay at mawawala. Ang tanong lang naman ay kung kelan?” Bahagya syang tumawa ng mapait.
Hindi ako nag salita at nakinig lang sa kanya. Bigla kong naalala ang unang beses kaming mag kita. Umiiyak sya noon at bigla akong niyakap. Alam kong malungkot sya ng mga panahon na yun kaya hinayaan ko nalang sya.
“Sabihin mo nga sa akin.” Sumulyap sya sa akin. “Para saan ang buhay mo? Bakit ayaw mo pang mamatay?”
Nagulat ako sa tanong nya at hindi agad nakapag salita. Hindi ko inaasahan na ganun ang ibabato nya sa akin. Aaminin ko na mahirap sagutin dahil walang taong handang mamatay.
“Well, nabubuhay ako para sa mga taong mahal ko.”
Umiling sya. “Stupid.”
“Huh?”
“Napaka hangal ng rason mo!” Sigaw nya.
“Bakit naman?” Tanong ko. “ Wala ka bang mahal sa buhay at ayaw mo ng mabuhay?”
Muling naging blangko ang mukha nya. Tinapakan nya ng madiin ang gas kaya muling bumilis ang takbo namin, nag lalaro na yoon sa 40-50kl. Napahawak ako ng mahigpit sa upuan ko at sinaway sya na bagalan ang takbo pero hindi sya nakinig at patuloy lang sa pag mamaneho na parang hindi nya ako nakikita.
“This is madness!” Sigaw ko ng makita ang isang poste. “Mababangga tayo!” Sinubukan kong pigilan sya pero hindi sya na tinag. Pumukit ako para salubungin ang kamatayan ko. Nagulat ako ng huminto ang sasakyan sa tapat ng poste. Nag mulat ako at tumingin sa kanya na nakatingin sa poste at walang emosyon ang mukha. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip nya at gusto nya kaming ipahamak.
BINABASA MO ANG
Secret lovers
Fiksi UmumZia Hernandez knows how to handle her perfect life. She's an A-list. A good daughter, A very good student, A good sister to her siblings, A good friend. A not so good girlfriend. She's expert in terms of dividing her time, not until Yuan Herrera ca...