Chapter 1Aaliyah's POV
"Aaliyah!" Rinig kong tawag sa akin mula sa likuran habang nagmamadali akong maglakad. Nakikilala ko kaagad ang boses na iyon.
Huminto muna ako sandali bago ito nilingon.
"Hmm?" sagot ko.
"Where are you going?" tanong niya sa sa akin.
"May kukunin lang sana ako sandali sa dorm eh," sagot ko o sa katotohanan ay pag papalusot ko dahil wala naman talaga akong kukunin sa dorm.
Mukha namang naninawala siya sa sinabi ko dahil tumango tango lamang siya sakin.
"Sige ha, basta bilisan mo. Magsisimula na kasi ang orientation at alam mo naman na hindi ka pwedeng wala doon hindi ba?" Pagpapaalala niya sakin bago ngumiti ng matamis.
Mabilis ang pagtango ko saka ginantihan din ng ngiti ang kausap. Isa kasi ako sa Elite officers kaya hindi talaga ako pwedeng mawala sa orientation na magaganap para sa mga freshmen ng school namin. Isa itong tradisyon kung saan taon-taon itong ginagawa.
Nang makarating na ako sa dapat kong puntahan ay agad ko ng isinara ang pinto. Inilibot ko muna ang aking paningin at may hinahanap ang mata ko. Pero halos umikot na yata ang mata ko ay wala parin akong mamataan kaya napakunot ang noo ko saka napanguso.
"Wala siya?" Mahinang bulong ko sa aking sarili.
Naghintay pa ako ng ilang minuto pero nang wala pa rin ay nagpasiya na akong aalis na lang sana. Ilang minuto nalang kasi ay magsisimula na ang orientation kaya dapat ay makaalis na ako.
Bagsak balikat akong nagtungo na muli sa pintuan. Hawak ko na ang doorknob at handa ng pihitin ito ng may marinig akong galabog mula sa isang bahagi ng silid. Nagulat ako roon pero maya-maya ay saka ko na narealize ang sitwasyon.
Ang kaninang halos pagsakluban ng langit at lupa kong mukha ay biglang lumiwanag.
Excited akong tumakbo sa bandang iyon kung saan ako nakarinig ang ingay kanina. Nakita ko roon ang isang bulto na tila inaayos ang sarili dahil sa hindi magandang pag-landing nito sa sahig.
Hindi pa man nakakabawi sa sarili at nakaayos ng tayo ay agad ko na itong tinalon ng mahigpit na yakap.
At dahil nga hindi pa nakakabawi ang huli ay na-out of balance kami kaya sabay kaming bumagsak muli sa sahig.
"Oh!" Daing ng nadaganan ko pero natawa lamang ako. Isiniksik ko pa talaga lalo ang sarili ko upang mas mahigpit pa itong mayakap.
"Akala ko di kana darating eh," Tila batang nagtatampo na saad ko rito.
Hinimas niya ang buhok ko.
"I'm sorry I'm late. That bastard took long," paghingi nito ng pasensya sa akin.
Mas lalo akong napangiti.
"And that so-called-bastard is your brother Mr!" Then I giggled.
Umayos na kami ng pagkakaupo at sumalampak nalang sa sahig.
Inirapan niya ako.
"What?" Maang kong tanong dito upang mang-asar lang.
Pero isang irap muli ang ginanti niya sa akin. Lalo pa akong napangiti dahil ang cute niya kapag umiirap siya sa akin. Singkit kasi ito kaya kahit umirap ay parang umiikot lang din sa loob ang eyeballs nito.
"Oh! You dyed your hair!" Pagpuna ko sa buhok niya saka marahan na hinawakan ito. Dati kasing blonde and buhok niya at kapag dumadalaw lang siya sa akin nagsusuot ng wig. Bawal kasi sa campus namin ang may kulay ang buhok.

YOU ARE READING
Elites
ActionAaliyah Maiden, a member of Elites. She wanted to join the game to find her father. She did everything to be part of it, and succeed... But what she didn't expect happened after entering the ground.