2

8 0 0
                                    

 | Ride or Die |

-

CH. O2.

-

written by _krmnl

-


"Good morning Miss Kirsten." Dinig na dinig ang pagbati ng mga empleyado sa buong floor. Dumating na kasi ang isa sa mga senior nila, si Kirsten Asterin.


Marami pang bumati sa kaniya pero hindi niya ito pinansin. Not that she's a snob or what but she's in a hurry. Late na kasi siya. May meeting siya with the CEO which is her brother pero nalate siya ng dating at alam niyang papagalitan siya nito.


"Ay jusmiyo marimar!" Gulat na sigaw ni Kirsten ng muntikan na siyang matapilok at makipag meet-and-greet sa sahig. Naputol ang high heels na suot niya. Hindi pa kasi siya sanay magsuot 'nun.


Dali-dali niya itong hinubad at kinuha ang pares ng high heels. Dama niya ang pagtitig ng mga tao sa kaniya. Itong mga taong 'to walang magawa sa buhay.


Hinayaan na lamang niya ito. Hindi na muna niya papansinin ang mga chismosang empleyado na walang magawa kung hindi sirain ang trabaho nila at magpaganda para sa kapatid niyang tukmol. 


"Goddamit, pati ba naman elevator ang bagal? Hindi pa ba nila 'to naayos?" Naiinis na sunod-sunod niyang pagpindot. Hindi na mapakali at kinakabahan, baka mamaya ay isumbong pa siya sa tatay nila at malilintikan siya lalo. 


Habang naghihintay na makarating sa paroroonan niya ay nagpalit siya ng sapatos. Kinuha niya ang boots na paborito niya mula sa paper bag na hawak niya at tsaka ito sinuot. 


I don't care kung mapapagalitan ako. I just freaking hate this heels. Sabi niya sa kaniyang isip habang tinitignan ang heels na sira na.


Parang nabunutan siya ng tinik nang tumunog ang elevator, signaling that she's on the designated floor. Pagbukas ay para siyang nakakita ng multo nang makita niya ang kapatid niya na nakacross arms at nakatitig ng matalim sa kaniya.


Uh-oh


Dahan-dahan siyang lumabas ng elevator at baka masaraduhan pa siya. Nakatingin lang siya sa sahig at halatang kinakabahan. Until her brother speak.


I'm dead. I'm so dead.


"I know that our company encourages a free environment. But, you're late for an hour? Oh come on Kris, hindi ka pa ba natututo? Late ka na nga, magpapakita ka pa rito na naka-leather jacket at boots. Yung totoo? Seryoso ka pa ba sa mga desisyon mo sa buhay?" Naiiritang sabi ng kapatid niya.


Parang magic na nagkaroon ng confidence magsalita si Kirsten, tinignan niya ito sa mga mata pero she failed because she's not good at eye-to-eye contacts. "Hoy! Kung hindi mo lang kasi ako binigyan ng mission kagabi, hindi ako malalate. Tignan mo nga, may sugat ako sa braso. Sobrang caring mo talagang kapatid." Pagdedepensa niya sa sarili niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ride or Die ( on hold )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon