| Ride or Die |
-
CH. O1.
-
written by _krmnl
-
"Punyeta." Napamura na si Reign dahil sa sobrang bored niya sa loob ng bar.
Winona Reign Carter, that's her name. Mayaman, maganda, talented, in a relationship. Parang nasa kaniya na lahat 'di ba?
Akala ko ang pagiging mayaman ay papasayahin ka.
Ayun ang akala niya. Ganun ang nakikita niya sa social media eh, parang sobrang saya. Nakukuha mo lahat ng gusto mo, laging may pagkain sa plato mo. Pero dahil nga mayaman siya, hindi lahat gustong makipagkaibigan sa kaniya. Meron namang may gusto eh, pero nakikipagkaibigan lang sa kaniya para sa pera at kasikatan. Kung hindi dahil 'dun, binabakuran naman siya ng mga magulang niya. Masyado daw masama sa reputasyon ng mga Carter ang makipagkaibigan sa hindi nila kauri.
"Hindi kauri huh? Katangahan." Napasinghap siya sabay lunok ng alak na iniinom niya. Nasa club siya, may mga kasama siya na 'kaibigan' niya pero hindi naman niya pinapansin. Masyado siyang tutok sa mga iniisip niya, na kahit sobrang ingay ng lugar ay wala siyang pakielam.
"Sis! Come on! 'Wag kang killjoy! Have some fun! Ang daming guwapo oh!" Hiyaw sa kaniya ni Vanessa, anak ng kumare ng nanay niya. Napilitan lang naman siyang sumama sa kanila ay dahil iyon ang utos ng magulang niya. Mas gugustuhin pa niyang magbabad sa social media kaysa makipagplastikan sa kanila. May choice naman siya kung susundin niya ang magulang niya o hindi. Pero mas pinipili niyang sundin ang magulang niya kahit labag sa kalooban niya, baka sa paraan na iyon, mahalin na s'ya.
Tumingin siya sa paligid niya at sa wakas ay nabalik siya sa huwisyo. Marami ngang guwapo, pero may boyfriend siya kaya mas pinipili niyang huwag na lang makipagsalamuha.
"Huwag na lang, may boyfriend ako e!" Hiyaw niya pabalik. Nakailang kulit pa si Vanessa pero nagmatigas talaga siya. Akala niya ay titigilan na siya ni Vanessa ng bigla itong tumayo at may nilapitan na matangkad na lalaki na nakatayo malapit sa table nila. May binulong si Vanessa sa lalaki kaya siguro napatingin ito kay Reign na umiinom nanaman. Masyadong nalasing sa tugtugin si Reign kaya hindi niya napansin na papalit na pala ang lalaki sa kaniya.
"Ehem." The tall guy said, making his presence known. Napalingon naman si Reign sa kaniya, and in the typical Reign fashion, tinarayan niya ito. First of all, may boyfriend nga siya. Second, hindi niya kilala ang lalaki at alam niya ang ugali ng mga lalaki sa club.
"Miss, kung sa tingin mo katulad ako ng ibang lalaki na nandito sa club? No, I'm just here to make friends with you. Nothing more, nothing less. I respect girls and I have a girlfriend." Sabi niya na kumuha ng pansin ni Reign.
"Seriously? No way! Ginawa mo 'yun?" Hiyaw ni Reign. Kanina pa sila nagtatawanan dito ni, huh? Hindi pa pala niya alam ang pangalan niya.
"Yep! Masyado akong nainis doon sa customer eh." Nagtuloy pa ang tawanan nila ni Reign na hindi pala niya namalayan, tumutunog na ang cellphone niya. Hindi niya inaasahan na gagaan ang loob niya sa isang estranghero. Naguilty naman siya sa unang impression niya dito, akala niya ay katulad ito sa mga tipikal na mga lalaki sa club. Ngunit mali siya kaya nag-guilty din siya ng kaunti.
BINABASA MO ANG
Ride or Die ( on hold )
ActionHiding identity, a competition in between. Ganyan ang scenario nilang dalawa. Isang may gustong patunayan, ang isa naman ay may gustong malaman. Ang pagkakakilala nila ay hindi nila inaakala, hindi rin naman nila ginusto. If they have the opportunit...