Ride Or Die
| P R O L O G U E |
Bang!
Isang ingay nanaman ang narinig niya. Takbo lang siya ng takbo. Tagaktak na siya ng pawis at parang unting-unti na siyang nawawalan ng lakas at pagasa. Napabagsak siya nang maramdaman nanaman niya ang pag-agos ng dugo mula sa kaniyang binti. Namamanhid na ata ang kaniyang buong katawan. Kanina pa siya takbo ng takbo palayo sa kakahuyan ngunit parang wala ata itong katapusan.
Tumigil lang muna siya saglit para magpahinga. Isinandal niya ang kaniyang buong katawan sa katawan ng puno. Hinahabol pa nga niya ang kaniyang hininga, masyadong mahaba ang gabing ito para sa kaniya.
Binabalot siya ng nakakabinging katahimikan. Hindi niya ikakaila na natatakot siya. Her worst fear? Being alone. Umiiyak nanaman siya, magisa nanaman siya.
May narinig siyang sigaw mula sa malayo, napalingon siya at pinilit na tumayo ngunit napabagsak ulit siya dahil umagos nanaman ang dugo mula sa kaniyang binti. Napabagsak siya sa lupa, hindi niya matanggap na sa ganitong panahon, sobrang hina niya.
Pinilit muli niyang tumayo, kanang-kamay sa puno, ang kaliwa ay nakahawak sa baril. Sinubukan niyang tumayo ngunit nanginginig ang kaniyang mga tuhod, kaya napabagsak siya sa lupa. Tumama pa ang kamay niya sa isang matulis na bato. "Punyenas naman!" Pagmumura niya habang pinagmamasdan ang sugat sa kamay.
Inis na inis siya dahil ramdam niya ang pagkabigo at pagod. Ngunit hindi niya hahayaan na mamatay siya dahil sa simpleng pagkahina lang.
Masyadong delikado rito, I need to move.
Ang simpleng pagtayo niya ay inabot ng mga ilang minuto upang magawa. Nakita niya na may pigura ng isang tao ang palapit sa kaniya, naging alerto siya, baka mamaya ay isang kalaban pala ang dumating.
"Woah! Bro ako lang 'to!" Sigaw ng bagong dating. Nakahinga ng maluwag nang makita niya ang babaeng nasa harapan niya. Iika-ika siya kung maglakad palapit sa babaeng bagong dating. Gusto niya itong yakapin dahil kailangan niya ng comfort ngayon. Masyadong nakakapagod ang gabing ito para sa kaniya, ilang beses naman na niya itong nararanasan pero hindi niya alam, may kakaiba sa gabing ito. Parang may mangyayari na hindi niya magugustuhan.
Pero inalis niya ito sa kaniyang isip dahil nandito na ang kaniyang kaibigan.
"At anong nangyari sa kamay mo?" Nagaalalang tanong ng kaibigan niya."Mahabang kwento, kailangan nating lumayo dito." Utas ng dalaga tsaka nagsimulang maglakad.
"Lumayo? Bakit?" Nagtatakang lumingon ang dalaga sa kaniya. Bakit parang ayaw niyang lumayo kami? Hindi ba niya na-realize na delikado kami rito?
"Oo lumayo. Delikado rito. Lika na bro." Lumapit siya sa kaniyang kaibigan at nagsimulang maglakad. Hila-hila niya ang niya ng babae.
Medyo nakakalayo na sila sa lugar kung saan sila nagkita ng biglang inalis ng kaniyang kaibigan ang pagkakahawak nito sa kamay niya.
Lumingin siya at tumingin sa kaniyang kaibigan,"Ano bang problema mo? Alam mo, sobrang weird mo kanina pa. Ano bang nangyari sayo?"
"Kumalma ka nga. Inalis ko lang, galit ka na?" Iritadong sagot ng babaeng nasa harap niya.
Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kaniyang kaibigan kaya hindi na niya napigilang magsalita, "Kalma? Sa tingin mo kakalma ako? Alam mo ba kung nasaan tayo? We're in a forest! Forest! Nasa delikadong lugar tayo, may mga delikadong tao pang humahabol sa'tin na once makita tayo, siguradong patay ka na. So sa tingin mo kakalma ako?!"
She saw the shock in her friends eyes. Ngayon lang kasi siya sumigaw sa kaniya. Hindi niya rin naman inaasahan ang inaakto niya ngayon. It's just that she's desperate. Hindi na niya kaya. Pagod na siya. Gusto na niyang matapos ito. Gusto na niyang bumalik sa kwarto niya, matulog na lang.
Nagulat na lang siya nang narinig niya ang putok ng baril. Napangiwi siya sa ingay na dala nito. Napatingin siya sa babaeng lalapitan niya sana, may hawak itong baril.
Nakatutok sa kaniya.
"What are you doing bro?" She ask out of fear. Tumingin siya sa paligid niya ng mabilisan. Silang dalawa lang ang nasa gitna ng kagubatan.
"What do you think i'm doing?" Sabi ng babaeng nasa harapan niya. Tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.
"Bro this is not a good joke! What the actual f-" Magsasalita pa sana siya nang nakarinig uli siya ng putok ng baril. Unti-unti siyang tumingin sa kaniyang dibdib, tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata.
She got shot by her. She got shot by her bestfriend.
"Finally I did it. Sa wakas, nangyari na. I always wanted to do this," Tumigil siya magsalita at lumapit sa kaniya.
"You look so weak right now. Weak, not so ideal for your position."
"Y-you lied?" Nanghihina na siya at hindi na kaya ng katawan niyang tumayo pa. Nagtama ang lupa at ang kaniyang tuhod. Kasabay ng pagtulo ng dugo mula sa kaniyang puso ang pagtulo ng luha mula sa kaniyang mga mata.
Masakit ang ang tama ng bala sa kaniya pero mas masakit ang nararamdaman ng puso niya ngayon. She got betrayed, again.
"Yeah I lied, so what? Ikaw lang itong tatanga-tanga na naniwala kaagad. That's why people don't like you. You're pathetic." Parang sinaksak siya paulit-ulit sa sinabi sa kaniya. Kung sa ibang tao ay sanay na siyang marinig ito pero sa kaniya? Sa taong tinuring na niyang kapatid, hindi niya ito kakayanin.
She tried, sinubukan niyang tignan ang mga mata nito. Baka niloloko lang siya nito, baka naaawa naman talaga ito sa kaniya. Baka nandun pa rin ang pagmamahal nito para sa kaniya. But all she can see is the anger in her eyes. The hungriness to kill someone, to kill her.
"It's all lies darling."
Ang kaniyang nakakatakot na ngiti ang huling nakita bago pa ako lamunin ng kadilman.
-
BINABASA MO ANG
Ride or Die ( on hold )
ActionHiding identity, a competition in between. Ganyan ang scenario nilang dalawa. Isang may gustong patunayan, ang isa naman ay may gustong malaman. Ang pagkakakilala nila ay hindi nila inaakala, hindi rin naman nila ginusto. If they have the opportunit...