SOMEONES POV ~
First day of school.
Excited ako. Makikita ko na kasi ulit siya.
Kamusta kaya ang bakasyon niya? Masaya kaya.
Bakit kasi ganto e. Ugh!
Nasa school na ko. Kanina pa, gusto ko na kasi siyang makita e.
Eto lang naman ang nagagawa ko e, mag-stalk.
Papasok na ko sana ko sa room nang...........
*dug.dug.dug.dug*
Isa lang ang dahilan kaya nagkakaganto ko.
Yun! Tama nga.
Nakita ko siya. Parang nagtatatalon yung puso ko. Ang bakla mang pakinggan pero ewan ko nga din ba sa sarili ko. Sa kanya lang ako nagkakaganito.
Parang kanina lang iniisip ko pa siya. Pero ngayon eto't nakikita ko na.
Namiss ko talaga siya. Parang gusto ko siyang yakapin pero hindi naman pwede. Di nga yata niya ako kilala e. Pero imposible naman yun. Kilala ko dito sa campus e. Pero, ay ewan!
Masaya ko kasi nakita ko na ulit siya after a long vacation.
Pero pag nakikita kong ganyan ang facial expression niya, naluungkot lang ako.
Nakatungo nanaman siya.
Pinagtripan nanaman siguro yun.
Ano ba naman tong mga tao dito! Nakakairita sila.
Kala mo kung sinong magaganda at gwapo. Di ba nila alam na may nasasaktan sila sa pinaggagagawa nila?
Hindi ko nakakayang makita siyang nalulungkot ng ganyan. Papasok na lang ako ng room.
Hayyy! If only I can do something to ease your pain.
I'm sorry :(
BINABASA MO ANG
Unlucky Girl
Novela JuvenilAng kwentong ito ay tungkol sa isang babae na pinagkaitan ng lovelife. (korni ng unang sentence no? XD) Hindi lang lovelife ang masaklap sa buong buhay niya, kundi mismong buong buhay niya. Minsan may problema sa pamilya. Sa school, Average student...