Chapter 2 - Another year of suffering?

37 2 0
                                        

GOOD MORNING SUNSHINE!

June 4 ngayon. Pwedeng maging masaya pero mas malaking part yung magiging malungkot ang araw na to.

Pangatlong taon ko na sa school na to. Panibagong taon nanaman ng pang-aapi (pang-aapi talaga ang term. XD) sakin sa school na papasukan ko!

Wala naman akong choice e. Yeah, sanay na ko. Pero minsan, nasasaktan pa din ako.

Good thing, wala akong relative sa school kaya walang magiging problema. Ang alam kasi ng mga kamag-anak ko, masaya at nag-eenjoy ako sa eskwelahan na pinapasukan ko. Tsaka alam nila, super masayahin ako lalo na pag nasa school. Which is kabaligtaran nga ng nangyayari sa totoong buhay.

Tsaka---- Ay wait! Shocks! 5:30 na pala! 6:30 lang ang bell namin. At 20minutes pa ang byahe from bahay to school. Magigi pa naman ako kumilos. Ayaw ko malate. Mas lalong kahihiyan aabutin ko :((

30minutes afterrr..............

So eto na, tapos na ako mag-ayos. Di na muna ako mag-aalmusal, dadamihan ko na lang kain mamayang break. Kung walang bully dun, pero imposible.

"Manang, alis na po ako." -ako

"Di ka na ba kakain, anak?" -manang

"Hindi na po. Sa school na po. Male-late na po ako e" -ako

"Sige nak. Ingat ka! Ay teka, di ka ba papahatid sa Kuya Jomar mo?" -manang

"Manang?!" -ako

"Ay oo! Sabi ko nga hindi ka nga pala nagpapahatid" -manang

"Sige po, alis na po ako." -ako

"Ingat nak!" -manang

Pagkatapos ng conversation namin ni Manang, umalis na din ako. Magko-commute lang ako.

Btw, yung kausap ko kanina, si Manang Yolly yun. Yung nabanggit ko kanina. Siya na yung yaya ko since bata pa ako. Siya lang yung lagi kong kasama sa bahay bukod dun sa 2maids (na asar din yata sakin) at kay Kuya Jomar. Parang sila na din yung pamilya ko. Si mommy, wala na nga. Si daddy naman, nasa ibang bansa. Wala naman akong kapatid.

Yung tungkol naman sa hatid-thingy, may sasakyan kami. Pero di ako nagpapahatid kay kuya. Pag lang may private akong pupuntahan tsaka ako nagpapahatid dun. Pero madalang lang yun, wala naman kasi akong kaibigan na mapupuntahan.

I prefer na din na mag-commute na lang para di na agaw-pansin. Imaginin mo naman kasi, ang pangit na babae, sakay pa ng kotse papasok lang sa school. Sagwa diba? Kaya yun, commute na lang.

Tsaka ayaw ko din malaman sa school na may kaya naman kami kahit papano. Pa-humble ba? :)

Ayan naaa!

Nalibang nanaman ako. (Kayo kasi, nagiging madaldal ako dahil senyo). Malapit na pala ako sa school.

Here it is! THIS IS HOW MY JUNIOR LIFE GOES!

A/N :

Heyow! Di ako kontento. Wala man lang kasing nag-vote or comment kahit isa. Nakakalungkot :(( Kung kayo naman kasi ang aabangan ko, baka di ko nanaman matuloy tong story ko kasi wala namang readers. :( Intindihin niyo lang sana. Wala man lang akong inspiration. Vote or Comment niyo man lang, yun na lang inspiration ko.

PLEASE!

VOTE! COMMENT! BE A FAN! :( :)

Unlucky GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon