Chapter 1 - Introducing Me lol

71 4 0
                                        

Hello?! Ako nga pala si Aira Mae Angeles. AMAE na lang for short :)

I'm a JUNIOR High School Student dito samin sa Bulacan. Ordinary Student lang ako.

Masabi ko mang popular ako. Yes, popular ako. Ako lang naman ang suking-suking pagtripan at i-bully sa school namin. And another Yes! As in buong school. Kahit lower years pinagtitripan ako. lalo naman siguro sa higher year hano?

Bakit nga daw ba ako ang favorite na pagtripan? Ewan ko?

E kasi daw pangit ako. DESCRIBE MYSELF? Mirror please! *harap sa salamin*

Ay pangit! Maitim (hindi naman yung parang ita), Wavy ang buhok na parang hindi sinusuklay, naka-nerdy glasses tapos yung mata na parang laging puyat, may tagyawat sa pisngi, pango ang ilong, at chubby. o diba? imaginin mo, pangit ngaa!

So ayun. At dahil nga pangit ako, kambal-kambal ang kamalasan na dumarating sa buhay ko.

Sabihan ko muna kayo ng tungkol sakin ha.

FAMILY? Only child lang ako.

Wala na si Mommy. Elementary ako nun nung iwan niya kami ni Daddy. Elementary ako nun, nung namatay siya. Wala pa ko halos kamuwng-muwang nun kaya parang wala lang sakin. Pero ngayon pag tinatanong ko kung ano ang ikinamatay ni Mommy, ang sagot lang nila, nagka-cancer daw. Tapos iibahin na yung topic. Lalo na pag si Daddy ang pinagtatanungan ko. Iwas siya. Kasi alam ko, hanggang ngayon, mahal pa din niya si Mommy at nangungulila pa din siya dito. :(

Alam sa school na wala na kong nanay. Alam nila na patay na si Mommy. Pero ultimo dun, may pam-bully pa din sila. Tukso sakin ng mga kaklase ko, kaya daw namantay si mommy, e dahil daw nga pangit ako. Natakot daw s kapangitan ng pagmumuka ko. Pero alam ko naman na hindi totoo yun.

Si Daddy naman, nasa Paris siya. May restaurant kami dun. E kelangan lagi siyang nandun kaya madalang lang siya umuwi dito sa Pinas. Same thing kay Dad. Sabi nila kaya daw ako iniwan e kasi napapangitan sakin. Pero alam ko pa din na di totoo yun. Kasi ang Daddy ko ang kaisa-isang lalaking mahal ako at ngsasabing maganda ako :))

Wala akong balita sa Lolo't Lola ko sa side ni Mommy. Di ko pa nga sila nakikita e. Ang alam ko kasi, ayaw nila samin ni Daddy. Ayon sa kwento ni Yaya Bebang (Yaya ni mommy at Yaya ko na ngayon), di daw talaga boto ang Lolo't Lola ko kay Daddy. Ayaw nilang mapangsawa ni Mommy si Daddy. Umbot pa nga daw sa time na ipinagkasundo nila Lolo si Mommy sa ibang lalaki, pero hindi pa din nila napaghiwalay ang 2. Nagtanan pa sila kaya lalong nagalit sila Lolo't Lola.

Kahit nung namatay si Mommy, ni hindi ko sila nakita na dinalaw man lang ito. Kaya naiinis ako sa kanila at ayaw ko silang makita. Pero ang alam ko, binalita naman sa kanila ni Daddy na wala na si Mommy. Wala bang halaga sa kanila si Mommy? Nakakainis sila.

Only child lang si Mommy kaya wala akong kilala o alam na ibang pinsan or relative sa side niya.

Sa side naman ni Daddy, 3 lang silang magkakapatid. Si Lolo, patay na. Si Lola naman nasa Manila siya. May sarili siyang bahay dun kasama yung bunsong kapatid nila Daddy na si Tita Reina. Si tita Reina, Wala pa siyang asawa kaya siya yung kasa-kasama ni Lola. Registered Nurse yung Tita kong yun. Idol ko nga yun e (Pero wala akong balak mag-nurse). Ang ganda pa niya. Yung panganay naman na kapatid ni Daddy, si Tito Robert, may sariling pamilya na din yun. Sa America sila nakatira kaya madalang ko lang din makita. Di ko ka-close mga anak nun. Ewan ko nga ba e, lagi silang asar sakin kahit wala naman akong ginagawa sa kanila. Nako, pinababayaan ko na nga lang. Wala akong problema sa side ni Daddy. Gusto nila ko (except dun sa 2 abak ni Tito Robert).

STUDIES? Ayon. Hindi naman ako bumabagsak. Average Student lang. Hindi matalino, hindi din naman bobo. Pero kasama naman ako sa Top30 ng batch namin. Sa school, hindi ko problema yung mga Teachers. Yung mga estudyante lang talaga. puro kasi bully.

FRIENDS? Wala. Wala akong kaibigan. Sa dalawang taon kong pag-aaral sa school na yun, wala man lang akong naging kaibigan. Wala my gusto. Lahat sila tingin nila sakin walang kwenta. Ganon ba talaga? Nakabatay lang sa physical appearance ang mga bagay-bagay? :(

LOVELIFE? mMas lalo namang wala ako niyan. Siyempre understood na yun. Friends nga wala e, lovelife pa kaya magkaron ako?? Pero may gusto ako. Panigurado nga lang walang gusto sakin yun. Hanggang tingin na lang talaga ko.

Balang araw, magiging LUCKY din ako. Umaasa pa din ako na gaganda ako. At makakahanap din ako ng mga kaibigan ko. :)) At pag nangyari yon, BABANGON AKO'T DUDURUGIN KO KYONG LAHAT! :D CHAROT! :) :(

AN // Eto muna. Nakaisip na ko ng isusunod. Pero tinatamad na ko mag-type :D

May nagbabasa po ba? haha Comment naman po para ma-inspire ako. HAHA :))

Nakakawalang-gana mag-UD pg walang readers. :( Soryy maarte e :)

VOTE. COMMENT. BE A FAN. please? :(( :)

Unlucky GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon