Chapter 1: Complaint ticket

3.7K 213 47
                                    

***

"Ikaw si Zaza, 'di ba? Malandi kang gaga ka! Mang-aagaw ng boyfriend!"

Maikli ang warning bago nag-landing ang sampal ng babae sa pisngi ko. Sabunot ang siguradong kasunod. But hep, hold up, I have to make corrections.

Una sa lahat, oo, malandi ako. Consistent gaga rin since puberty hits. Matagal ko naman nang tanggap. Pero mang-aagaw ng boyfriend? Eww. Corny. Hindi naaagaw ang lalaki. 'Pag ang lalaki nagkaroon ng sideline, dahil 'yon sa malandi siyang hayop siya. Marami na akong nakilalang lalaki at iilan lang ang matino. If a guy really likes a girl, ini-exclusive 'yon. Hindi pinangdo-double shift. Hindi ginagawang sideline. Kapag ang boyfriend, may respeto sa girlfriend at relasyon niya, mawalan man ng feelings, nakikipaghiwalay muna nang maayos bago dumiskarte sa iba. Bottom line, hindi naaagaw ang lalaki. Saka (oo, masipag ako mag-explain), hindi ko ugaling mang-agaw. Her boyfriend didn't tell me that they're still together before making a move on me. 'Tapos ngayon, kasalanan ko? Ba't kasalanan ko?

Nagpasabunot ako dahil gaga ako ng taon. Bukod do'n, alam kong kailangan ni ate girl ng masasabunutan para kumalma. Bait ko, I know. Stan me. Suwerte niya dahil matibay ang anit ko at sanay akong masaktan. Kaya hala sige, sabunot galore si ate mo girl. Gigil na gigil. Tini-testing ang anit ko habang nanonood ang mga kaibigan ko at ang mga inosenteng customer ng Jollibee na gusto lang kumain ng chickenjoy, nakalibre pa ng short film.

Yes, feeling bida ako, mga sismars, kasi why not? Hindi nga lang ako mukhang api o kawawa kahit ako ang sinasabunutan at nagpapasabunot. Tutol ang ombre hair at sarcastic ang cleavage ko. Pero ang stilleto ko, nanganganib maputol. Hindi ako makaaray nang hard habang naka-bending dahil tanaw ko ang orasan sa dingding ng Jollibee. Puta na 'yan, fifteen minutes na lang, tapos na ang long break namin? French fries pa lang natitikman ko! Sina Anette at Em-em, nagsisimot na lang ng manok.

Sige sabunot si ate girl habang umiiyak. Iiwan na raw siya ng baby niya dahil sa 'kin. Hindi na raw siya mahal. Nge.

Lumuwag ang hawak niya sa buhok ko at lumakas ang singhot. Sagana na sa sipon. Napahawak ako sa anit ko at nakangiwing bumaling kina Anette. Nagbi-video ang ikalawang gaga ng taon. Nagmostra para unahin kong bigyan ng pansin si ate girl na umiiyak.

Inayos ko ang blazer ko at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko bago humakbang. Crying lady na si ate mo girl. Hulas ang mascarra. Papatulo ang sipon. Puta na 'yan. Pinagpalit ang poise niya para mag-eskandalo dahil sa lalaki.

"Hey . . ." ani ko sa kanya. "Okay ka lang?"

Bait ko talaga. May hibla pa ng buhok kong nabunot niya sa kamay niya pero ang gara ko magtanong. Ako na lang siguro magtatanong sa sarili ko: Okay lang ba 'ko, sismars?

"Bitch ka," matalas na sabi niya. Lagkit na ng laway ni ate girl. Mala-sapot na nabanat pagbuka ng bibig niya.

"Hindi ko alam na boyfriend mo pa si Alvin. Hindi sinabi sa 'kin, swear." Sipag ko talaga mag-explain.

Gigil pa rin si ate girl.

"Malandi ako pero hindi ako pumapatol sa may sabit. Hindi mo ba nabalitaan 'yon? Hindi ko goal na testing-in kung ano'ng sabunot ang sisira sa anit ko. Alam mo ba kung ga'no kasakit masabunutan? In public?" Luminga ako sa paligid para ipa-obvious ang audience.

Luminga rin siya at namula. Parang noon lang na-realize na nasa Jollibee kami. I-remind ko na rin ba siya kung ano'ng oras pa lang ng umaga?

"I don't really know you but I hope this is the last time you're going to do this to me. What happened to me and your—I hope—ex-boyfriend is just a one-time thing. Ayoko sa mga two-timer. Kaya 'wag ka nang gigil diyan. Lalayuan ko jowa mo."

WBS 1: The Break Time FlingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon