One Step Away

16 1 0
                                    

--

"Wendy Cruz?"

"Present."

"Hoy Wen, ba't ka absent kahapon?" Tanong sa akin ng aking bestfriend.

"Wala, tinamad lang ako." Sabi ko at marahan na tumawa.

"Sus, ikaw pa na perfect student." Panunumbat nito na kinatawa ko nalang rin.

Malapit na pala kaming grumaduate, kaunting tiis nalang Wendy makakalaya ka na.

Charot, may college pa pala.

--

"Bakit ang baba mo dito?"

"Ang hirap po kasi ng math, dyan po talaga ako mahina dati ko pa po sinasabi sa inyo." Pagpapaliwanag ko.

"Bobo ka lang talaga sa pamilya namin walang ganyan ikaw lang, Wen tatlong taon ka ng wala sa honor roll! Paano ang kinabukasan mo!" Biglang taas ng boses n'ya.

"Sorry ma." Nasabi ko nalang pumunta sa aking kuwarto habang pinipigilan akg pagpatak ng aking mga luha.

Lagi nalang, kailan ba ako magiging sapat?

Buong gabi ko inaral ang aking mga susunod na lesson at buti nalang ay hindi ako nalate sa unang subject namin.

"Okay ka lang? Namamaga mata mo. May nangyari ba?" Tanong sa akin ni Lexi.

"Ah wala! Puyat lang talaga." Sabi ko.

"Sure ka ah?"

"Naman!" Sabi ko at tumawa.

In my mind, I wanted to speak pero hindi, hindi ko kaya.

Kailan kaya ako magtitiwala ng buo, bakit hindi ko kaya?

--

"HAAHAHAHA, ANG KULITTT." Tawa ng aking mga kaibigan ng magkuwento ako ng kalutangan ko.

Masaya na akong napapatawa ko sila, gumagaan ang pakiramdam ko pag kasama ko sila pero bakit ganon may kulang pa rin?

--

"SUMAMA KA NA SA PAPA MO, PAREHAS KAYONG WALANG KWENTA!"

tinapon ni mama lahat ng mga ipininta ko na dapat ibebenta ko para makatulong sa bahay. Wala na lahat ng pinaghirapan ko.

Naiiyak akong tumingin sa kanya at iniwas ito muli para magsimulang pulitin ang sira-sirang gamit ko.

Ayoko kay papa, hindi ko s'ya kilala, hindi n'ya rin ako tatanggapin kung sakali man, kasi wala s'yang pakielam

Tumakbo ako papalayo sa bahay, gusto kong mapag-isa, gusto kong pakalmahin yung sarili pero bakit di ko magawa?

"AHHHHHHHHHHH AYOKO NA!" sigaw ko ng makarating ako sa isang rooftop ng building.

Maingay ang paligid dahil mga sasakyan sa ibaba ng building kaya't 'di rinig ang aking sigaw ngunit nakapagpagaan ito ng loob ko.

Umupo ako sa pinakagilid ng building at nilalanghap ang simo'y ng hangin na patuloy akong tinatangay habang tinatanong ang aking sarili ng aking mga tanong na alam ko na wala namang kasagutan.

Paano kaya kung hindi nalang alo nabuha? Ano kaya ang buhay ni Mama?

O kaya naman ay ako yung namatay imbis na si Kuya?

Siguro kasama pa ni Mama ngayon si Papa, at masaya silang nagsasama

Mahina ako napatawa sa aking mga naiisip pati na rin ang mga hiwa ko sa aking hita.

 One Shot Stories (compilation) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon