30

220 10 4
                                    

RYUJIN

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

Naiinis na talaga ako kila Lia, simulang kinwento ko sa kanila yung tungkol sa amin ni Beomgyu ay hindi sila tumahimik, why do i have to suffer like this!?

"Bye bye, Ryubabes, send my regards to your Beomgyu! ingat!" Halakha ni Yuna at tinulak na ako palabas.

Tama bang kinwento ko sa kanila yung tungkol sa amin ni Beomgyu? Bakit parang hindi? Dagdag bwisit na naman 'to sa'kin.

Habang iniisip ko yung panunukso nila sa akin ay panay ang irap ko, hays, bakit ko ba 'yon nagustuhan?! Pinagsisihan ko talaga 'yon! Simulang nakilala ko siya hindi na tumahimik yung buhay ko! Taena, kailangan ko ng taho.

"Bad day, bad breath, hays," Sabi ng isang pamilyar na boses mula sa likod ko, lumingon ako sa likuran ko at nakita si Beomgyu, humihikab at halatang walang tulog, mukhang babagsak na yung mga mata.

Umirap ako sa kaniya at binilisan ang paglalakad. Ano na naman 'to!? Lakas ng trip ng kumag na 'to!

"Red day? Ay, red day mo naman palagi," Panunukso niya habang sinasabayan ang paglakad ko.

 Hindi ko siya pinansin at mas lalong binilisan pa ang paglalakad.

This scumbag won't really let me live in peace. Sarap itali iyong leeg niya tapos hilain palabas ng buhay ko pero hanggang imagination lang siguro ako, ayaw ko naman maging criminal 'no. Kahit may galit ako sa kaniya di ko kayang manakit, I'm not that kind of person who will do violent things out of anger. I do hurt him but mentally, hindi ko lang alam kung natatamaan ba o nasasaktan talaga siya sa mga masasamang ginawa at sinabi ko sa kaniya, knowing him, he won't show what he really feels inside, tinatago niya 'yon kaya mahirap talaga malaman at makita ang totoong nararamdaman niya.

"Pwede bang lumayo ka sa akin? Kung may balak ka man gawin sa akin, next time na lang pag may mood ako, makikisabay naman ako kung good mood ako pero sa ngayon, wag muna, ha?" Kalmado ang boses ko pero halata ang pagkairitado ko.

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at nauna ng mag lakad paalis. I'll do anything that could hurt him inside so he can realize that he's just wasting his time, so he can stay away from me. Kasi kung lalapit at lalapit pa rin siya, nasasaktan pa rin ako kasi parang pinapakita niya lang sa akin na second option lang ako. Pag wala ng choice yung tao saka ka lang pipiliin, yung sira na siya at sayo nagpapaayos at babalik na naman kung saan siya nasira.

Wala bang araw na ako muna ang mauna? Lagi na lang ako ang huli, nakakapagod maghintay sa 'tamang oras' na 'yan dahil parang hindi naman talaga dadating sa akin 'yon at buong buhay ko ay ganito lang ako, walang mag babago.

Pagkadating ko sa school ay dumeretso muna ako sa library, masyadong maaga pa naman at mamaya pa sila Yuna papasok kaya dito ko na lang sila hintayin.

Tinry kong matulog nang naramdaman ko na may umupo sa harap ko. Hay nako, kahit hindi ko tignan kilala ko na. Hindi ako kumibo at nagpanggap na tulog, basta wag siyang umimik at inisin ako, malilintikan talaga 'to sa akin.

"Uhm... Ryujin?" Tawag sa akin ng isang babae.

Huh? Babae?

Inangat ko ang ulo, I slowly met her eyes.  her white fair skin, her short ashbrown hair was covered by her baseball cap. 

I didn't utter a word, I just kept staring at her. She looks kinda familiar. Mukhang naiilang siya sa pagtitig ko sa kaniya kaya tumikhim siya bago magsalita.

"Can we talk?"

𝐂𝐎𝐌𝐄𝐁𝐀𝐂𝐊 ▶ c.bg + s.rj Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon