CHAPTER 16

3.1K 58 16
                                    

Chapter 16
-Rietzelle-

I tapping my feet in the ground while I waiting Breizer. Sabi nya hintayin ko sya pagkatapos ng trabaho ko dahil diretsyo daw kami agad sa mansyon nila. He was going to introduce me to his father. To my fiance.

Napakagat ako sa labi. Ipapakilala nya ako bilang girlfriend nya sa fiance ko. Kinakabahan ako. Parang hindi ko kayang gawin pero wala akong magawa o maisip na ibang paraan para mas mapalapit kay Halcyon. Ang pagpayag ko lang sa proposal ni Breizer ang natatangi kong paraan para malaya akong nakakalapit sa kanya.

"Sino iniintay mo?"napatingin ako sa kaliwa ko ng may mag salita. Si Chatterton na nakapamulsa ang dalawang kamay at diretsyo ang tingin.

Ibinalik ko ulit ang tingin sa harapan."Someone." sagot ko sa tanong nya.

"Ikaw, bakit nandito ka sa labas?"tanong ko.

"Kasi nandito ka."napatingin ulit ako sa kanya. Seryoso lang sya ni hindi ko nahimigan ng pagbibiro ang boses nya. "Nag-aalala ako sayo. Tuwing tumitingin ako sa iyo nakikita ko ang malungkot na Rietzelle. Parang sobrang laki ng problema mo at sinasarili mo lang ito." Napa-iwas ako ng tingin.

"You know. Kahit may past tayong dalawa pwede mo pa din akong sabihan ng problema mo para kahit pano ay mabawasan. Malay mo makatulong din ako." He sincerely said.

"Thank you, pero hindi na kailangan. May mga pagkakataon kasi na kailangan matuto tayong kayanin ng mag-isa ng walang tulong ng iba."tumingin ako sa kanya ng nakangiti habang sya ay seryoso pa din pero ngayon ay nakatingin na sakin."Pero kung isang araw kailangan ko na talaga ng tulong at hindi ko na kinaya. Lalapit na ko sayo."

Na-iwas ang tingin ko sa kanya ng narinig ko na ang busina sa kotse na paparating sa kinatatayuan namin.

Pagkahinto nya ay agad syang lumabas at tinawag ako. Tumungin muna ako kay Chatterton na ngayon ay mukang naguguluhan.

"Rietzelle, let's go."rinig kong sabi ni Breizer. Pumunta na agad ako sa kotse nya at pumasok sa loob.

Buong byahe ay tahimik lang ako na nakatingin sa bintana. Iniisip kung ano ang kahihinatnan ng desisyon ko. Sa oras kaya na makaalala si Halcyon mapapatawad pa kaya nya ako? O hindi na dahil sa mga nangyari habang wala syang malay.

Huminga ako ng malalim sa naiisip ko. Araw-araw nalang na ganto. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba. Laking pasasalamat ko nalang na hindi nagbunga ang nangyari sa amin ni Breizer. Baka lalong hindi ko kayang magpakita sa kanya.

Nawala ako sa pag-iisip ng makita ko ang malaking mansyon nila Breizer. Bumalik ulit lahat ng sakit na naramdaman ko. Ang huling punta ko dito ay yung pinagtabuyan ako ni Halcyon. Mabilis na nangilid ang luha ko kaya agad ko kinagat ang labi ko para kahit papano ay mapatigil ko ang pag-iyak.

Pagkahinto namin ay agad na lumabas si Breizer para umikot papunta sa gawi ko saka mabilis na binuksan ang pinto. Ang kinagulat ko lang ay ang biglang pagtapat ng mukha nya sa mukha ko. Akala ko hahalikan nya ako pero nagkamali ako dahil pinunasan lang nya ang pisngi ko gamit ang hinlalaki nya.

Stuck With Him ( R-18 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon