CHAPTER 4

2.4K 86 2
                                    

Chapter 4
-Rietzelle-

"What are you doing?" ulit na tanong nya sakin, nakatalikod pa din ako sa kanya. Kaya rinig ko ang hakbang nya na hindi ko alam kung saan patungo.

Nasilaw naman ako ng bigla bumukas ang ilaw. "Kung may gagawin ka d'to ay gawin mo na nakaka-istorbo ka!" Iritang sabi nya kaya napaharap ako d'to. Naka-upo lang sya habang umiinom ng kape.

I sigh, ramdam ko ang pagka disgusto nya sakin.

Hindi ko naman sya masisisi, marahil ay ayaw lang nya talaga sakin para sa ama nya.

Dumiretsyo na ako sa refrigerator at inilabas ang isang pitsel ng tubig at isinalin sa baso na kinuha ko, medyo nailang naman ako dahil nakatingin lang sakin si Breizer na pilit kong binabaliwala.

"K-kumain ka na ba?" tanong ko para mawala ang nakakailang sa pagitan namin, o ako lang talaga ang naiilang?

Babalik ko na sana ang pitsel ng magsalita sya. "I don't like you." napahinto ako ng saglit ng marinig ko yon pero mabilis din akong nakabalik sa wisyo at inilagay na ang pitsel sa Refrigerator saka sinara ito bago humarap sa kanya ng may tipid na ngiti sa labi ko. " I don't like you for my Dad, and I will never accept you as my mother. Ano ba talaga ang kailangan mo kay Dad? Pera ba? " nakuyom naman ako at nagbaba ng tingin. Ganon ba ang tingin nya sakin? Mukang pera?

"I love him..., I love Halcyon, hindi ko kailangan ng pera nya dahil sya lang ang kailangan ko." mahina na sabi ko habang nakatingin sa mga mata nya.

Nakakita naman ako ng galit sa mga mata nya pero agad ding nawala at bumalik sa pagiging seryoso. "I think gutom kana, paghahain lang kita." tumalikod agad ako d'to kaya mabilis na tumulo ang luha ko na pinunasan ko agad.

Mabilis akong kumilos dahil gusto ko ng makaalis sa kusina, agad ko inilapag sa harap nya ang kanin at ang ulam na ininit ko saka umalis ng hindi tumitingin sa kanya.

I was really upset dahil sa sinabi nya tungkol sakin. How would I do that to the person I love. Hindi ako ganong klase ng tao.

But I think one thing is for sure is his son will never accept me.

Pagkadating ko sa kwarto ni Halcyon ay agad akong nahiga at pilit pinapatulog ang sarili pero bigo pa din kaya lutang akong nakatingin sa kisame hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na ko.

Nagising nalang ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Kinapa-kapa ko naman si Halcyon kaya napamulat ako ng mapansin na wala na pala akong katabi.

Stuck With Him ( R-18 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon