Chapter 10 - The Last Minute Decision

629 5 0
                                    

***** 

This chapter is more about Daniel, gusto kong isuspense kayo sa date nila Kath at Enrique eh. 

- Trailersplague

(Daniel) 

Nakarating na ako sa Hospital, tumakbo ako papunta sa counter at tinanong kung nasaang room ang aking lolo. 

Nakita ko rin ang room niya, pumasok ako at nakita ko ang mom at dad ko na nakayakap sa kaniya, ang dami niya talagang ginawag mabuti sa buhay namin, kaya talagang masakit makita na...patay na siya.

"Anak...may iniwan sa'yo si Papa." Sabi ni Dad.

Inabot niya sa akin ang maliit na box na naglalaman ng dalawang ring. Ang ganda ng ring, silver at makinis.

"Yan ang ring na ginamit niya sa kaniyang kasal, ibinilin niya na ibigay ko sa iyo."

"Pero dad, bat niya binigay sa akin?" Tanong ko.

"Yan, ay hindi ko pa alam..." sabi ni Dad at tumayo para lumabas ng room kasama si Mom.

"Lolo, salamat po sa lahat ng ginawa ninyo" sabi ko sabay hawak sa kaniyang kamay. "-salamat po sa ring na binigay ninyo sa akin, pangako ko po sa inyo na gagamitin ko ito pag nagpakasal na ako, Kung magpapakasal ako kay Kathryn..."  

Napahinto ako sa mga sinasabi ko, tapos may isang patak ng luha ang lumabas sa mga mata ko. 

"Kung nandito ka lang........Mapapakilala pa kita kay Kathryn, Siya ang sinasabi ko sa'yo na crush na crush ko simula ng bata pa lang ako, sa inyo ko lang sinabi..." Mas dumami ang luha na lumabas sa mga mata ko.

"Mahal na mahal ko po kayo lolo, hindi po ito magbabago...."

Now, wala na akong ka text, siya kasi ang mysteryosong taong tinetext ko palagi....

(Kathryn) 

Pinag isipan ko ng mabuti kung talagang kaya kong pumunta sa Date namin ni Enrique. Wala naman si DJ, kaya hindi naman masamang pumunta sa date diba? 

Hindi ko talaga alam kung ano ang maiiexpect ko kay Enrique...but remember Kath, stay strong, Kay DJ lang talaga ang puso mo. 

"Kathryn..."

Familliar ang boses na yun, it was Enrique. May dala-dala siyang flowers. 

"Sabi ko sa'yo eh, bibigyan talaga kita ng flowers" sabi niya sabay smirk. 

Hindi ko alam kung bakit pero napangiti rin ako, bakit ang biliss ng tibok ng puso ko? 

"Punta na tayo sa table Kath" sabi niya.

Dinala niya ako sa isang maganda at malaking table na may candle sa gitna, may dalawang malinis na plato at chicken at soup, mukhang masasarap mga to' ah. 

"O, ano pang hinihintay mo? Kain na!"

Banaman Kath, nakatulala ka nanaman..hehe 

Kumain ako at pagkalipas ng ilang minuto, naubos na namin ang pagkain...sarap!!

"Luto ko ang lahat ng iyon." Sabi ni Enrique.

Luto niya? Ang sarap grabe! Pang master chef level eh.

"Aba, galing magluto ng kaibigan ko ah!" Sabi ko.

"Magaling talaga"

Tapos may kinuhang remote si Enrique at pinress ang button,  

"You are my first Romance......"

Wait...don't tell me... 

"....From the very Beginning.."

Enrique, stood up...

"Please be Careful with my Heart...."

"Kathryn, YOU are my first Romance, I know you may have feelings for DJ, but I'm telling you know, I'm giving my heart to you....because I love you...."

"Enrique....I...I.....I....

"Lo-"

***** 

BITEN!!!! 

Wahahahha. 

At YES, marunong mag text ang lolo ni Daniel. 

Ano kaya ibig sabihin ng "Lo-" na yun? 

ABANGAN 

- Trailersplague

Friends with (undefined) Benefits (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon