Chapter 1 - Shooting Star

2.3K 16 1
                                    

(Kathryn) 

Ang sakit pa rin ng pakiramdam ko, pero ok lang yan, at least kasama ko ngayon si Mister poging Daniel Padilla. Nandito siya ngayon para hindi mang asar kung di tutulungan ko siya sa kanyang homework. Grabe, 24/7 talaga tong poging tong nandito sa bahay ko para lang magpaturo.  

E paano? Mukhang living the life siya dun sa mundo niya. Walang tigil sa kakatext sa mysteryosong taong yan.

"Kath, kaibigan kita diba?" Sabi ni Daniel sa kanyang mahinang boses.

"Oo, bakit?"

"Paabot naman ng baso ng tubig."  

Aba! Lupet ang utos neto ah.

Kinuha ko ang baso at ibinigay kay DJ (nickname niya), parag gusto ko pa ngang itapon sa kanya yung baso..hehe.

Pagkatapos naming magreview at mag aral, umalis na rin si DJ at pumunta na sa kanyang bahay. Wala ka man lang effort Kath, kaibigan mo pa rin si DJ. 

Hay, walang katapusang pag iisip, wala lang atang magawa pag wala si DJ. 

Minsan naiisip ko rin, paano ko mananalo ang puso ng isang pogi at mayamang tao? Tingin ko nababaliw na rin ako minsan...

Pumunta ako sa may bintana at tumingala sa langit. Nakita ko ang mga bituin, napaka ganda nila, (katulad ko hehe). Bigla kong naisip si Daniel, kami na raw, pero hindi....imposible yon. 

Pinikit ko ang aking mga mata at nung binuksan ko, meron akong nakitang shooting star. 

OMG, Kathryn, Shooting Star, once in a lifetime moment lang ito, wag mong sirain ang chance mo...

Pinikit ko uli ang aking mga mata.... 

....

"Sana mahalin ako ng taong mahal ko" sabi ko.

Pag bukas ko ng aking mga mata, nawala na ang shooting star, it means by now sana mag work yung wish ko. Nag wish din kaya si Daniel?

Tapos, may bigla akong narinig na boses mula sa aking likod.

"Kath! Kath!" Sigaw ng boses.

Tumalikod ako at nakita ko si Julia, ang aking kaibigan na mukhang ang saya saya.

"O, bakit?" Sabi ko.

"Nakita mo ba yung Shooting Star?" Tanong sa akin ni Julia.

"Oo, nagwish nga ako e, ikaw?" Sabi ko.

"Oo naman, ano nga pala yung winish mo? More shoes?"

"Personal...."

"Ayee, sabihin mo na, tayo tayo lang naman."

"Basta, at gabi na, bat napapunta ka dito?" Tanong ko kay Julia.

"E, kasi si Daniel, naabutan ko kanina yung pupunta ako sa bahay mo, may pinapadala si mama ng fruits para sa inyo, nakatingala siya sa langit, kaya tumingala rin ako, nakita ko yung shooting star at nag wish na rin, kaya pumunta ako dito para sabihin sayo."

"Ah, sige sige, salamat nalang sa mama mo" sabi ko.

Binigay niya ang plastic bag na may dalang fruits at umalis, si Daniel..nagwish? Hindi ko akalain na makikita niya ang Shooting Star. Ano kaya ang winish nun?

(Sumunod na araw)

Tapos na ng klase, uwian na, sumabay ako with Daniel pauwi kasi magkapitbahay lang kami, ang laki nga ng bahay nila kesa sa amin.. 

Habang nag lalakad kami nag tanong ako sa kanya. 

"Daniel ano ba ang winish mo kahapon?" Sabi ko sa kanya.

"Wish? Anong sinasabi mo? Hindi ako nag-wish!" Sabi niya sa akin.

"Weeeeh, nakita ka nga ni Julia, magdedeny ka pa"

"...Wala, hindi ako nag wish, tumingin lang ako sa langit." Sabi niya sa akin sa malungkot na tono.

"Bat hindi ka nag wish."

"Kasi nakuha ko na lahat ng gusto ko....." sabi niya sa akin

Friends with (undefined) Benefits (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon