CHAPTER 6

368 16 2
                                    

"Hoy nakatulala ka nanaman inday" sabi ni Atasha.

"Alam mo 'nong last time na nakasama ko si Cav parang galit siya" Nakatulalang sabi ni Miles.

"Bakit? Ano ba ang nangyari?" tanong ni Atasha

"Parang nagalit siya nang sabihin ko na si Oliver ang gusto ko sa kanila. Tsaka ilang linggo narin siyang hindi nagpaparamdam" sagot ni Miles

"Eeeehhh, namimiss mo siya noh?" Atasha.

"Hindi noh." tanggi ni Miles. Totoo naman na miss na miss na niya ito kahit may kayabangan.

"Deny ka pa. Gwapo rin naman si Cav ah, bakit ayaw mo sa kanya?" tanong ni Atasha

"Gwapo nga pero ayaw ko naman sa ugali niya. Mayabang." Sagot ni Miles.

"Naku! nagpapa impress lang 'yon sayo. Alam mo, tingin ko may gusto siya sayo" Atasha

"Hayan nanaman ang conclusion mong ewan tash" Miles

"Iyon naman kasi ang nakikita ko eh, siguro 'di mo lang napapansin at nakikita dahil masyado kang bulag. Capital B L I N D" Atasha

"Pero matanong ko, napansin mo ba kung kailan ako naka get over sa pagkamatay nila mommy at naging masaya ako ulit?" nilingon na niya ang kaibigan.

Saglit itong nag-isip.

"Hhhmmm. Simula nong nakasama at nakausap mo si Cav." sagot ni Atasha. "Teka, gagawin ko muna yung assignment ko sa chemistry hah malapit na kasi ang deadline. Sorry talaga friend, kailangan ko ng umalis. Alam mo naman bumabawi talaga ako sa subject na iyon" Sabi ni Atasha.

"Sige, I understand" Nakangiting sabi ni Miles.

Naiwan na naman siyang nag-iisa. Napa-isip siya sa huling sinabi nito, Simula nong nakasama at nakausap mo si Cav. Simula nong nahawakan ni Miles ang kamay ni Cav parang naging weird ang tibok ng puso niya. Hindi niya maintindihan dahil first time niyang makaramdam non, kahit kay Oliver hindi siya nakaramdam ng ganoon. Naguguluhan rin siya dahil palagi nalang niyang naiisip at namimiss si Cav. Ito rin ang dahilan kung bakit madali siyang naka move on sa pagkawala ng kanyang mga magulang. "Ano ba ang meron sa lalaking iyon?."

You're inlove with him Miles, sagot ng kanyang isip. "Nnnoooooo!!" pagtutol niya.

Because of an incident (ft. Clarence Adrian Villafuerte)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon