CHAPTER 2

463 12 2
                                    

Natigil ang class discussions at nagulat si Miles nang tawagin siya ng kanyang guro na may kausap na tatlong pulis sa door frame. 

"Hala Miles! May ninakaw ka noh?" sabi ng pasaway nila na kaklase.

"tumahimik ka nga!" pagsusungit ni Miles.

"Maam, bakit po?" tanong niya agad paglapit dito.

"Kayo po ba si Miles Ramirez?" tanong ng isang pulis.

"Opo, ako nga po. Bakit?" tanong ulit ni Miles.

"Maam, pwede ho ba kayong sumama sa amin? May nangyari sa mga magulang mo" sabi ng pangalawa.

"A-Anong nangyari? teka, I need your explanations" nanginginig na sabi ni Miles.

"Sumama nalang po kayo." sabi ng pangatlo. Hindi nalang siya pumalag at sumunod narin rito. Kinakabahan siya dahil hindi maganda ang kutob niya. Hindi siya mapakali at pinagpapawisan na siya.

"Saan po tayo pupunta?" tanong ni Miles pag sakay sa kotseng pampulis. Ngunit walang ni isang sumagot.

Huminto ito sa isang ospital.

"teka, ano ang ginagawa natin dito?" pagaalalang sabi ni Miles.

"Sumunod nalang po kayo maam, malalaman nyo rin po" pinagbuksan siya ng pinto sa isa sa mga pulis.

 ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Isang silid ang pinasok nila. Hindi maintindihan ni Miles kung ano ang ginagawa nila doon. Niloloko ba siya ng mga pulis na ito?!

"Miss Ramirez, buti dumating na kayo. I'm Officer Bartolome--" pagputol ni Miles.

"Hindi ko maintindihan. Anong nangyayari? Anong ginagawa ko rito?" sabi ni Miles.

Binuksan ng isang pulis ang kurtina. Pagbukas, there's a two people in bed covered of blanket with blood. Napasinghap siya ng tanggalin ang kumot sa mga mukha nito.

"Mom, Dad" pabulong na sabi niya. Her tears drip begins.

"Namatay sila dahil sa car accident. Base sa inbestigasyon namin nawalan sila ng brake at bumanga sa ten wheeler truck. Hindi na sila naka survive dahil sobra ang pagkaipit nila sa loob." sabi ng officer.

 Hindi na makapagsalita si Miles dahil sa magkahalo-halong emosyon. Napaluhod siya sa sahig at umiyak ng umiyak. Paano na ako ngayon? tanong ni Miles sa kanyang sarili.

Because of an incident (ft. Clarence Adrian Villafuerte)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon