WAKAS

413 18 8
                                    

"Hi Miles, good afternoon" nakangiting bati ni Cav.

"O, ba't bigla kang nawala at bigla namang susulpot." sabi ni Miles.

"Bakit parang galit ka? namiss mo'ko noh?" Cav

"Dapat ako ang nagtatanong niyan eh. Galit ka ba sakin Cav?" tanong ni Miles.

"Hindi. Kalimutan na natin iyon." sumeryuso ang anyo nito. "Alam mo narealize ko na tama ka. Kaya siguro iniwan ako ng ex ko dati dahil naging mayabang na ako at nag iba na ang ugali ko. Magbabago na ako para sa babaeng mahal ko ngayon. Gagawin ko lahat para sa kanya kahit iba ang gusto niya. I know nag-iisa nalang siya sa buhay kaya kahit sa simpleng jokes ko man lang mapasaya ko siya. Oo, inaamin ko na nagselos ako 'nong sinabi niya na iba ang gusto niya pero hindi ako susuko, umaasa ako na balang araw magugustuhan niya rin ako. 'Nong nakita ko siyang nadapa at umiiyak, agad lumambot ang puso ko. Kaya inalam ko agad kung ano ang nangyari sa kanya nang malaman ko, parang nagkaroon ng sariling buhay ang mga paa ko dahil hinabol ko agad ang magnanakaw. Naglakas loob parin akong labanan at gulpihin ang snatcher para lang sa babaeng iyon kahit may hawak itong kutsilyo. Hindi ko akalain na babalik ang ganoong tapang ko. Nang balikan ko siya natakot ako nang maabutan ko siyang wala ng malay. Nagalala ako sa kanya kaya humingi agad ako ng tulong dahil sobrang taas na ng lagnat niya."

"Habang wala siyang malay sa ospital, sarap niyang pagmasdan dahil ang ganda parin niya kahit natutulog. Hinaplos ko ang mukha niya kaso nahuli ako ng kaibigan niya."napangiti ito at tumingin sa kanya "Miles ikaw yung tinutukoy ko. Unang kita palang sayo gusto na kita. The way you smile makes me happy, kahit ngiti lang kontento na ako at---" naputol ang sinabi nito nang may tinignan sa kanyang likod.

"O, nandyan ka na pala bro." Sabi ni Cav "Diba, matagal mo na 'tong pangarap Miles?" ngumiti ito ngunit agad rin namang naglaho.

Paglingon ni Miles nasa likuran niya si Oliver. Bakit....Bakit wala akong nararamdaman? Dapat matuwa ako at yakapin si Oliver pero bakit hindi ko magawa? Hindi rin niya napapatibok ng ganun kabilis ang puso ko, di tulad ni Cav na ngiti palang niya natataranta na ako. Kaya ba namimiss ko siya kung wala siya? kaya ba lagi ko siyang naiisip? Kaya ba hinahanap-hanap ko siya? dahil inlove na ako sa kanya. Pero kailan ito nagsimula? sa......ospital nang gabing iyon. Tama! At ang weird na tibok ng puso ko 'nong nagkadikit ang mga kamay namin dahil mahal ko na siya.  paglilinaw ni Miles sa kanyang isip.

"Sige, aalis muna ako para hindi kayo maistorbo" sabi ni Cav

Pinigilan ni Miles ang kanyang braso.

"No, tayo ang dapat mag-usap Cav. Maraming bagay ang dapat nating linawin." Miles

"Ano yung sinabi mo kanina? na mahal mo'ko? galing mo ring mantrip anoh?" panimula ni Miles.

"I'm not joking nor lying. Wala rin akong panahon para pagtripan ka Miles. Seryuso ako." Cav

"Ano bang ginawa mo sakin Cav? inlove na ako sayo ng di ko man lang namamalayan" napaiyak narin si Miles.

Nagulat pa ito sa narinig ngunit agad ring naglaho.

"Do you love love me?" paglilinaw ni Cav

Tumango siya bilang sagot.

Kitang-kita ang tuwa sa mukha nina  Cav at Miles. 

Sa buhay natin lahat ng bagay hindi permanente. May aalis o mawawala ngunit may papalit naman. May mga bagay na kailangan mo ring pakawalan para sa ikaliligaya mo. Katulad nalang ni Miles kahit masakit ang pagkamatay ng kanyang mga magulang kailangan niyang mag move on para sa kanyang ikasasaya at sa kabila ng kanyang kalungkutan may nakilala siyang isang taong makakapagpasaya at magmamahal sa kanya. 

🎉 Tapos mo nang basahin ang Because of an incident (ft. Clarence Adrian Villafuerte) 🎉
Because of an incident (ft. Clarence Adrian Villafuerte)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon