Chapter One

37 0 0
                                    

"Class you'll be divided into 5 groups. Kayo ang pipili kung kanino kayo sasama. 8 members per group okay?" sabi ni Ma'am. Papunta kaming batangas at dun may mga activities kaming gagawin. Para siyang itetest ang katapangan namin at kung magtatagal ba kami dun. Marami ngang nagsasabi na, sa part ng batangas na pupuntahan namin ay nakakatakot. Marami daw'ng namatay doon banda. Doon din daw halos nakatira ang mga nakakatakot na mga, mangkukulam, aswang and whatsoever. Hindi naman ako natatakot, pero parang kinabahan ako bigla noon nung naring ko yun.

Section na kasi namin ang next na pupunta roon. Kaya kailangan handa kami.

"Liz, kasali ka sa amin ha." Sabi ni shayna. Liz, Eliza, yan ang pangalan ko at yung tumawag sakin, si shayna, bestfriend ko. Sabi nga niya, kasali na ako sa grupo nila. Si Shayna, Cj, Anika, Joe at Ako.

Pinagusapan namin ang pangalan ng grupo which is Team Shayna. Natawa na nga lang kami dahil si shayna rin ang pumangalan niyan kasi siya yung Lider. Okay naman samin, kaya di na kami umangal. Pinagusapan rin namin yung about sa titirahan namin, yung activities at kung ilang araw kami dun.

Bukas narin ang flight namin papunta dun.

ABANDONED WAREHOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon