Chapter 2

15 0 0
                                    

"Yung mga bag ilagay na sa kotse. O yung green na plastic! ilagay narin yan. Ano ba yan? Ah bahala na." Ayan, si shayna, puro da-da. Excited na raw siya eh.

"Liz! Dalian mo na! Malelate na tayo!" Sigaw ni shayna. Di na ako nagsalita. At pumunta na.

-8 hours later-
Nasa bus na kami, ni-rent namin ito kasama namin yung isa pang grupo, papunta na kami sa lugar na pupuntahan namin. Hindi nanaman ako mapakali. Napansin ata iyon ni shayna. Siya kasi an katabi ko. "Liz? Okay ka lang? " Tanong niya. Di ako sumagot. Ayaw ko naman sabihin sa kanyang Oo dahil hindi naman talaga ako okay. "May pakiramdam kasi akong mali. Yung tipong kinakabahan ako agad." Sabi ko. Tumango nalang siya at sinabihan akong kumalma at uminom ng tubig.

Tumingin ako agad sa binta at may nakita akong karatula na may "Welcome to Ba@$@:&;$@" Di na mabasa yung mga sumunod na letra. Sira na kasi ito at mukhang luma na. Wala atang may planong ayusin at linisin iyon. Nung mejo naka layo layo na kami, nadaanan namin ang isang puno, madahon ito at malaki. Ilang sandali nanaman ay nakita ko nanaman iyon. Hanggang sa umulit ulit.

"Shayna, may mali" sabi ko. "Oo nga. Kanina pa tayo pa balik balik ano?" nagtatakang tanong niya. Nagsitaasan naman ang mga balahibo ko. Pumunta si shayna sa Driver at nagtanong. Pagkabalik niya, sinabihan agad niya ako na nagtataka rin raw yung driver. First time lang daw siyang naka daan dito.

Hindi na ako nakatiis, kinausap ko na ang driver. "Manong, kanina pa po tayo pa ikot ikot."
sabi ko. "May mali talaga." dagdag ko pa. Saka ko nakita ang isang matanda na naglalakad. "Eliza, san ka pupunta?" magkasabay na tanong ni Shayna at anika. "Kakausapin ko lang iyong matanda. Baka alam niya kung san yubg lugar na pupuntahan natin." Sagot ko. "Samahan na kita" pag rerepresinta ni joe. Sinabihan ko na siya na hindi pero nagpumilit parin. Baka raw anong gawin sakin ng matanda.

ABANDONED WAREHOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon