Nilapitan na namin ni joe yung matanda. "Ale, san po ba papuntang Bario Santos dito?" tanong ni joe sa matanda. Ngunit nakayuko parin ito. "Al--"
"UMALIS NA KAYO DITO!"
bigla itong sumigaw. "Kumalma lang po kayo. Nagtatanong lang naman kami." May halong irita na sa boses ni Joe. "Kayo na ang susunod. Nagmamakaawa ako. Umalis na kayo. Nasa panganib lang ang buhay niyo." Halos umiyak na ang Matanda. Hindi ko mapigalang hindi maawa sa matanda.
"Eli tara na. Hindi naman nakakatulong ang matandang yan. Gagabihin pa tayo." Sabi ni Joe. Hindi ko namalayang hinihila na pala niya ako. Tiningnan ko muna yung matandang nakatitig parin sakin bago ko tingnan si Joe.Nang ibalik ko na ang tingin ko sa matanda bigla nalang ito nawala. Tiningnan ko si ulit si Joe, nawala narin siya at yung bus na sinasakyan namin. Nandito parin ako sa tinatayuan ko kanina habang kausap ko yung matanda. Biglang lumakas ang hangin at nagsitayuan ang mga balahibo ko. Goosebumps.
"Eli..." May narinig akong boses. Parang kilala ko. "Eli.." Nagsasalita nanaman. May nakita akong aso na tumatakbo papunta sakin. Pilay. Mukhang nasagasaan ang isang to. Nakita ko kung paano lumaki ang katawan niya. Tumaas yung dalawang paa niya sa harap at para siyang tao kung makatayo. Humaba ang buhok nito at pumorma ang katawan niya ng tao, babae siya. Tuloy tuloy parin ang lakad niya. Ako naman, parang napako sa kinakatayuan. Nagtataka ako kung bakit ang layo parin niya sakin. May napansin akong marka sa sahig. Naka Ekis na pula. Mukhang dugo ang ginamit para masulat ito. Hindi talaga siya makalagpas dito. "Eli.." Hanggang sa palakas ng palakas. Tumigil na siya sa paglalakad at tinitigan ako. Bigla niyang tinaas ang isang kamay niya at sinakal ako. Malamig ang kamay niya nakakapangilabot. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya pero mas masasaktan Lang ako. Akala ko mamatay na ako ng bigla niya akong binitawan. Dahan dahang dumilim ang paningin ko at biglang nagmulat mga mata ko.
"Eli! nako kanina ka pa namin ginigising tulog mantika ka talaga." sabat ni Cj. Nakita kong nandito silang lahat at pinalibutan ako. "Okay ka lang ba? Bat ka pinagpapawisan?" Tanong ni Anika. "Nandito na tayo?" Hindi ko sinagot si anika at ako naman ang nagtanong. "Kani-kanina pa lang." biglang singit ni Joe. "Joe! Yung matanda?" tanong ko. Baka kasi nakita rin ni Joe ito kanina na bigla nalang to nawala. "Matanda? Anong matanda? Si Anika? HAHAHA" Sagot nito sakin. Nakakapagtaka. Panaginip ko lang pala iyon. "Anong matanda? hoy pimple joe tigilan moko! Sasakalin talaga kita!" at nag bangayan sila ng bangayan. Hindi na ako nakinig at tumingin ako sa bintana. May nakita akong building na mukhang abandonado na."Baba na tayo!" Biglang sumulpot si Shayna. "Oh? Gising ka na pala. Kanina ka pa talaga tulog buong biyahe" Biglang sabi niya sa akin. Hindi na ako sumagot at bumaba na.
"Oh? Anong nangyari dun?" narinig ko pang sabi ni Shayna. Hindi ko na narinig ang sinagot ng iba. Narinig ko nalang na nagsi babaan na sila.
BINABASA MO ANG
ABANDONED WAREHOUSE
HorrorActually, sa panaginip ko lang to haha. Maganda kasi eh kaya try ko isulat. Sguro may mga part na nakalimutan ko, normal naman sguro yang makakalimutan mo ang ibang parts ng panaginip dba? Try ko nalang i edit haha . K happy reading❤️ xoxo