Incident happened in the story is just a part of author's imagination. This is a work of
fiction including names, places and the whole story.Forgive me for grammatical errors, typographical, and even conducting a word. Thank you and enjoy reading!
—
PROLOGUE:
Binubully ng lahat ng estudyante ang lalaking kakatransfer lang sa school namin. They say, he is a highschool repeater. Pinagtatawanan at pinagkakaguluhan ito ng buong campus kahit kakapasok lang nito.
“Kawawa naman s'ya.” bulong ng bestfriend ko na ngayon ay nakikichismis din. “Pero infairness, ang gwapo n'ya.”
Napatingin ulit ako sa lalaki. Hindi halata sa hitsura n'ya na highschool repeater s'ya. Mukhang nasa 20 years old na s'ya habang kami ay nasa 18 yrs old pa.
“Anong grade n'ya?” tanong ko dahil parang nakikita ko na s'ya noon. Hindi ko lang maalala.
“Kaklase natin. Grade 12.” sagot n'ya. Natigilan ako bago tumingin ulit sa lalaki. Ang meztiso nitong balat ay kumikinang dahil sa sinag ng araw.
His perfect jaw. His deep brown eyes. His long eyelashes. His perfect pointed nose. He's manly body. Everything is perfect for him to be every woman's ideal.
“Ah basta. Kahit repeater s'ya, crush ko na s'ya.” ani ng bestfriend ko.
Mas tinitigan ko pa ang lalaki. I can't be wrong. I know to myself that I've already seen him before.
Kumunot ang noo ko at pilit inaalala kung saan at kung kailan. Ngunit kung pipilitin ko, ay sasakit lang ang ulo ko.
Napaayos ako ng tayo nang mapatingin sakin ang lalaki. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nagkatitigan bago ako umiwas ng tingin.
My heart skip a beat. No, it can't be.
“Sayang ang kagwapuhan mo, kung highschool repeater ka!”
“Crush na sana kita, kaso ang bobo mo!”
“Bawal 'to sa mga estudyanteng bobo!”
Natatawang sabi ng mga babaeng estudyante.
“Sila ang bobo.” inis na sabi ng bestfriend ko. “Kaya nga may school, para matuto.”
Kumunot ang noo ng lalaki ngunit nasa baba lang ang tingin. Hindi ko alam kung anong nararamdaman n'ya dahil wala namang expression na pinapakita ang mukha n'ya.
Hindi ko alam kung nasasaktan o natatawa s'ya.
Kakaiba..
“Tara na nga!” sabi ko sa bestfriend ko tsaka s'ya sapilitan na hinila.
“Hala! Teka lang Pitch! 'Di pa ako tapos picturan s'ya!” sigaw ng bestfriend ko.
'Di ko s'ya pinansin. Binitawan ko lang s'ya nang makalayo na kami.
“Hindi mo ba napapansin?!” sigaw ko. “May kakaiba sa kan'ya Mauren!”
“Ano bang pinagsasabi mo?” takang tanong n'ya. “Highschool repeater 'yon. Malamang bumagsak s'ya dati kaya bumalik—”
“No.” agad na tanggi ko. “Feeling ko nakikita ko na s'ya before.”
“Talaga?” takang aniya. “Akala ko ba hindi nabura ang memorya mo? Akala ko ba naalala mo lahat?”
Hindi ako umimik. I got in a car accident when I was in 13 years old together with my parents. Luckily, nabuhay pa ako. I'm the only one who survived, my parents are dead on arrival.
“Hindi kaya..” bulong ko. “May hindi ako naalala? May naburang memorya na tanging sagot ng mga katanungan ko?”
“Ha?” naguguluhang sabi niya. “Diba sabi ng doctor, may photographic memory ka? Kung ganon, edi sana naaalala mo siya.”
“Hindi ko alam..” nakayukong usal ko. “Malakas ang kutob ko na kilala ko siya—”
“Oh my, Pitch..” usal n'ya.
Nag angat ako ng tingin sa kan'ya ngunit ang tingin n'ya ay nasa likuran ko. Agad akong kinabahan bago tumingin din sa likuran ko.
Napakurap-kurap ako nang makita ang highschool repeater.
Kunot na kunot ang noo nito habang nakatitig sa mga mata ko.
Mas lalo akong nacurious sa kanya.
“It's you.” usal n'ya habang matiim na nakatitig sakin.
Agad akong nangilabot nang mapagtantong hindi lang mukha ang pamilyar sa kan'ya.
Kundi pati ang boses n'ya.
YOU ARE READING
HE'S A HIGHSCHOOL REPEATER
FanfictionRyl Hernandez is a highschool repeater due to personal reasons, and no one knows behind. He was bullied by everyone in the campus, and only Pitch Echalico was the one who defend his name when he's not around. Even though she find Ryl as mysterious m...