kabanata 8. Pagsi-sisi

24 19 27
                                    

Me: while I'm riding a tricycle going to my school I suddenly think about my story that I write and I said in my mind" wait, tama ba 'tong ginagawa ko sa mga tauhan ng aking kwento? Am I right to hurt them? Isn't it too much for them? Well I think it's okay. Pero bakit ganito sa tuwing may mga scene akong gawin na masasakit para sa mga tauhan ko, nasasaktan din ako. Hahaha nakakatuwa." Tumawa ako habang na kasakay, kaya biglang napatingin sa akin ang driver, ako lang din kasi ang pasahero niya. I know what he's thinking, maybe he's thinking that I out of my mind because I'm just suddenly laughing.

Ito na Rin ang huling pasukan namin, dahil bakasyon na.

Pagkatapos ng aming last period agad akong umuwi sa bahay and finally I can now focus on writing.

***To be continued***

Habang nag-yakapan ang Ina niya at kapatid napangisi lamang si Assyria na tila bang kulang pa ang lahat ng parusang ibinigay ng Hara.

At tila ba hindi parin natatablan si Assyria sa kabaitan na ipinakita sa kaniyang kakambal. Kaya gumawa ulit ito ng gulo.

Ginamitan niya ng kapangyarihan ang mga punong kahoy upang babagsak ang mga ito Kung saan maraming mga Diwata ang naka tayo doon.

Nang nakita ito ni Ethiopia agad siyang sumigaw " Hara Asherah ang mga diwata.!"

Agad nila na ilikas ang mga Diwata do'on gamit rin ang mga kapangyarihan nila ni Asherah at Ethiopia.

Sapag-likas nila sa mga Diwata, nabigyan ng pagkakataon si Assyria na makuha ang puso ng punong Hyssop at nag-tagumpay nga siya sa kaniyang masamang balak.

Nakita ito ni Asherah ngunit huli na ang lahat dahil nasa kamay na ito ni Assyria at ito ay sinunog niya ang puso ng punong Hyssop.

Walang nagawa si Asherah at Ethiopia. Nanghihinaan sila ng loob dahil kataposan na ng lahat nang mga Diwata sa mundong Encantapia.

"Unti - unting lumagaslas ang mga dahon at ang bunga ng Punong Hyssop. At kapag nauubos na lahat ito dito na unti- unting guguho o kakainin ng lupa ang buong Encantapia" wika ni Ethiopia Kay Asherah.

Ramdam ng lahat ang pangyanig ng lupa.

" Eshno kredto drego Ethiopia. Kaya namnamin niyo ang hirap dahil tayong lahat ay sabay-sabayng mamatay! Hahahah
Wala na kayong magagawa Ethiopia

Nag-sigawan dahil sa takot ang mga Engcantada at Engkantado, maging ang mga paslit na mga diwata ay nag-iyakan, mga iyak  na makapag-durugo sa iyong puso.

" Assyria aking panganay na anak paano mo ito na gawa sa kapwa mga Diwata mo? Dahil lang ba sa hindi ikaw ang naging Reyna sa Edomia. Anak batid ko na masakit tanggapin ang katotohanan na hindi ikaw ang naging Hara ngunit ang katotohanan ay mahal kita. Mahal na mahal Karin ng kapatid mo at Ama. Alam mo ba walang araw na hindi ka hinahanap namin, lalong lalo ng ang iyong ama wala siyang ibang bukang bibig kun'di ikaw anak." Wika ng inang Hara habang umuiiyak.

Hindi maamin ni Assyria na naa-awa na siya sa mga Engkantado at Engkantada, at may mga luha ng namumuo sa kaniyang mga mata.

" Assyria aking kapatid. Umiiyak si Asherah.
Sana man lang binigyan mo ako ng pagkakataon na maipasa ko ang aking Korona sa 'yo. Batid ni Ethiopia at ng ating mga magulang na hinihintay ko lamang na magbalik loob ka sa amin.  Ang bumalik ang dating ikaw na mabait, at mapagmahal para mailipat ko ang aking Korona sayo ngunit huli na ang lahat sapagkat nagaganap na nga." Patuloy ang pag-agos ng mga luha ni Asherah.

Sa pagkarinig ni Assyria sa lahat ng mga wika ng kaniyang ina at kapatid tumalab ito sa puso niya, dahilan na natatandaan niya noon Kung sino at Kung ano talaga siya.

EncantapiaWhere stories live. Discover now