kabanata 3. Edomia

40 24 11
                                    

" Lola saan ba kayo pa-patungo? Sino po ba kayo? Ano bang ginagawa niyo dito? Malalim na po ang gabi". Mga tanong ni Asherah

Ngumiti ang matanda at tinitigan niya lang si Asherah at sinabing" uuwi na ako sa munting bahay ko diwata, napaka-bait mong diwata." Ito lamang ang sagot ng matanda at umalis na ito.

Ngunit may napansin si Asherah sa matanda. "Ang kaniyang mga mata at ang kaniyang titig ay parang titig ng inang Reyna ko at at ang lukso ng mga dugo ko— "

Susundan sana siya ni Asherah ngunit kailangan niya ng bumalik sa palasyo. 

Bumalik si Asherah sa palasyong Edomia na masaya parin. Kahit hindi niya man nakuha ang susi, ngunit naka ligtas naman siya nang isang buhay na mas mahalaga  pa sa kahit na anong bagay.

        Edomia

Sa Palasyo, nandirito lahat ang mga ninuno, kasama ang sina-unang diwata na si Ethiopia at ang Hari

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa Palasyo, nandirito lahat ang mga ninuno, kasama ang sina-unang diwata na si Ethiopia at ang Hari

Pumasok si Assyria sa palasyo sumunod naman si Asherah.

Pag-pasok ni Assyria sa palasyo agad siyang nag-mamayabang.

"Tignan niyong lahat Kung ano ang hawak ko! Ang susing hugis puso ay ako ang nakakuha nito. Kaya walang duda na ako ang magiging susunod na Hara sa buong Encantapia!" Pag-mamayabang na sabi ni Assyria.

Nag-tinginan ang lahat.

Biglang dumating ang matandang babae na niligtas ni Asherah sa kagubatan at sinabing

" Hesto Assyria!"  Kinuha niya ang susi mula Kay Assyria

" Isno ino matanda? Bakit mo kinuha ang susi mula sa akin?!" Tanong niya
( Sino Ka )

" Ako lang naman ang iyong ina".

Binalik niya ang dating anyo bilang si Herda

" Ina?! Sabay tanong ng mag-kapatid

Ginawang dahon ni Reynang Herda ang susi.
" Bakit mo ginawang dahon ang susi na' yon?!" Tanong ni Assyria

"  Sapagkat hindi iyon ang tunay na susi Assyria."

" Anong hindi?! Hahahaha." tumawa si Assyria

"Sapagkat ang tunay na susi ay ang iyong puso Assyria. Sa ginawa mo sa akin kanina bilang matanda ang anyo muntik mo akong mapaslang dahil sa pinutol mong  kahoy." Sabi Ng ina nila

" Kasalanan ko ba'yon?... Bakit kapa Kasi nag-palit ng anyo!." Sagot nito na walang pag-galang

" Hasseno Hara hesto  alaris eshi kudi Ivo indiri hesni eshta shyinsa serri penstiya" pahiwatig  sinaunang Diwata
( Ang tunay na Hara ay hindi lamang sarili ang ini-isip maging man ang kapakanan ng kaniyang pinamumuno-an)

" Ahhhhh! Isang malaking Kasinungalingan. Isang paglilinlang ang ginawa niyo.!

" Hindi pag-lilinlang ang ginawa namin anak, kun'di isang tunay na pagsubok. Isang pagsubok na nag-papatunay na ang kaga-lingan ng isang magiging pinuno ay hindi lamang na-susukat o na-kikita sa pag-gamit nang matatalim na sandata, kun'di pag-gamit din ng isip at malinis na puso". Pahiwatig ng ina nila

EncantapiaWhere stories live. Discover now