Epilogue

18 13 3
                                    

Napailing-iling ako, na tila ba ang lakas ng kabog nang aking damdamin.

" Ang totoo Penta mas malaki ang pagiging Ina ko sayo. Dahil ang dugo na nalalagaytay sa akin ay ang dugong na nalagaytay din sayo ngayon. Ina mo rin ako Penta, ako ang tunay mong Ina." Sagot ni Ethiopia

Natulala ako na para bang hindi ko Kayang gumalaw na, at mag-salita. Maging si Hara Asherah ay napatitig kay Ethiopia dahil sa sinabi nito.

Huminga ako nang malalim, habang patuloy kong tinitigan ang aking ina nasi Ethiopia. Aaminin ko nasasaktan ako kung bakit ngayon niya lang sinabi ito sa akin, ngunit imbes na magalit ako sa kaniya umiyak na lang ako. Hanggang sa nilapitan niya ako at hinawakan ang aking dalawang kamay at sinabing,

" Mahal kong a-anak, p-patawarin mo sana ako." Sabi niya, kasabay ang pagpatak ng kaniyang mga luha.

Gusto ko siyang sumbatan. Gusto kong magalit sa kaniya, paanong nagawa niya akong ihiwalay sa kaniya ng mahabang panahon?. Gustong- gusto ko talaga magalit, ngunit ang lahat nang ito ay nawala nung narinig ko ang salitang mula sa kaniyang mga bibig mismo ang "Mahal kong anak".

Ang sarap pala sa pakiramdam ang tawagin Kang " Mahal kong anak" na galing mismo sa sarili mong Ina. Ang lahat na galit na nararamdaman ko ay  napalitan ng saya na parang walang humpay.

Bigla akong niyakap ng mahigpit ni inang Ethiopia, Kaya niyakap ko rin siya nang mahigpit habang patuloy na pumapatak ang mga luha.

Mga luhang nangungulila sa pagmamahal ng totoong ina. Mga luhang nagdadala ng pagkasabik na mayakap at mahagkan ang tunay na ina.

Pinapatawad na kita Ina ko." Wika ko habang patuloy na nagyakapan kaming mag-ina.

" Salamat anak. Mahal na mahal kita. Pangako ko sayo hinding-hindi na kita iiwan pang muli." Sabi nito sabay halik niya sa aking noo.

Para sa akin ano pang- saysay upang magalit ako sa kaniya kung ngayon ay kasama ko na rin ang matagal ko nang kinasabikan.

Pagkatapos niya akong hagkan sa noo, pinunasan niya ang aking mga luha gamit ang kaniyang mga palad.

" Grabi nakakaiyak naman kayo." Sabi ni Hara Asherah habang pinupunasan niya rin ang kaniyang mga luha.

Pagkatapos niya itong sinabi nag-tawanan kami. Muling niyakap ako nang aking Ina, sa pagkakataong ito kasabay na naming kayakap si Hara Asherah.

" Group hug!" Sabi ko

" Alam mo Penta, ang swerte mo dahil si Ethiopia ang naging Ina mo. Bukod sa maganda, makapangyarihan, matapang, mapagmahal pa." Pag-pupuri ni Hara Asherah sa aking ina

Tumawa si Ina at sinabing " Salamat Asherah."

" Hali kayo sumama na lang kayo sa akin patungong palasyo, upang ipalaam natin sa nakakarami na si Penta ay hindi lamang isang pangkaraniwang nilalang. Kun'di siya ay isang anak ng diwatang pinaka-mapangyarihan sa lahat na  galing sa bathalang Gadem pa." Mga wika ni Asherah. Hindi nag-dalawang isip ang aking ina Kaya pumayag siya na ipaalam na sa lahat na siya ay may anak na lumaki sa mundo nang mga tao.

" Panahon na upang makilala nang lahat ang nag-iisa Kong anak." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

Umalis na kami gamit ang paglalaho. Ayon sa nalalaman ko, hindi lahat nang mga Engkantado at Engkantada dito ay may kakayahang mag laho.

Maaari Kang makapaglaho kapag ang isang Engkantada o Engkantado ay nagiging tagapangala ng isa sa mga makapangyarihang kidlat at hangin. Kaya ganito na lamang kahigpit ang Ina ko sa pagpili niya kung sino ang magiging tagapangala ng mga kapangyarihan, dahil natatakot siya na baka aabusuhin lamang ng iba ang mga kapangyarihan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 19, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

EncantapiaWhere stories live. Discover now