Chapter 5

2 0 0
                                    

Chapter 5

Letter

HANGGANG sa pag-uwi ko sa bahay hindi ko na iyon pa nakalimutan. Nakakahiya ang pangyayaring iyon, sobra! Sana kasi ay hindi na niya ginawa 'yon! Pero hindi ko naman maitatangging nagustuhan ko rin.

Napahawak ako sa labi ko para bang nararamdaman ko parin dito ang labi niya. That was my first kiss for god sake! He stole my first kiss! Jonah! Come to your senses! Omg, bakit ko ginawa 'yon?

Pagkatapos kasi niya akong halikan ay may nangyari pang hindi inaasahan...

"You such a jealous huh? That was just a rumor." He smiled and held my chin.

"Woyyyy!"

Gulat kaming napalingon sa pinanggalingan niyon. Napababa ako ng tingin sa sobrang hiya ko! Bakit nandito si ate Bam at mga kaibigan niya?

I'm doomed!

"Anong ginagawa ninyo huh?" Nanunuksong tanong pa niya at lumapit sa amin.

Napapalunok na lamang ako sa kaba ko! Agad kong inayos ang sarili ko. Naitulak ko pa si Div nang bahagya. Paano kung nakita niya ang nangyaring paghalik sa akin ni Dhivin? OMG! Patay ako nito!

"Kanina pa ba kayo r'yan?" Tanong ni Div sa kanila, may bahid din ng kaba.

"Kakarating lang namin, at bakit kayo nandyan? Ikaw Gov ha, 'wag na 'wag mong sinasali sa kalokohan mo si Jonah, binabalaan kita. Halikana Jonah!" Hinila pa ako ni ate Bam palayo kay Div. "Corner huh? Corny!" Tumawa pa siya nang malakas saka na niya ako hinila pabalik sa loob ng Canteen.

"Kayo na ba?"

"Bakit kayong dalawa lang nag-uusap doon?"

"Bakit ang lapit niyo sa isa't isa?"

"May kissing scene bang nangyari?"

Pinaulanan pa nila ako ng tanong. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko. Nagulat pa ako nang biglaang hawakan ni ate Bam ang mukha ko at sinuri ito.

Pinakatitigan niya ako nang mabuti. Sobrang kaba ang nararamdaman ko. Natatakot na baka may matuklasan sila.

"Hindi ako magtataka kung walang lalaking hindi magkakagusto sa'yo. Dahil sa malapitan man o malayo, napakaganda mo, napakaputi at kinis!" Wika pa niya.

"Patingin nga!" Inagaw naman nung isa ang mukha ko at pinakatitigan din ako. "Yung lips mo..." kinabahan naman ako, ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. "Virgin na virgin!" She giggled. "Napaka kissable naman ng lips mo. Hindi kagaya namin, mga dry season!" Malakas pa silang tumawa. "Nakakainggit ka, Jonah! Sana lahat ay biniyayaan ng magandang hitsura kagaya mo."

"Jonah!"

Napalingon ako kay Harvey at Nur na tinawag ako. Napatayo kaagad ako. Napapikit ako, nagpapasalamat na dumating sila. Hindi ko kayang sagutin mga katanungan nila.

"Uhh ate Bam, alis na kami." Paalam ko pa.

Tatalikod na sana ako pero pinigilan pa niya ako. "Teka Jonah!"

"Te?" Tanong ko.

Lumapit siya sa akin at bumulong. "Hanggang maaga pa ay umiwas ka na muna kay Gov. Kilala mo naman siguro nanay mo. Hindi kita tinatakot pero nag-aalala lang ako sa'yo. Huwag ka sanang magpadala sa damdamin mo. The real man can wait." Pagkatapos niyon ay tinapik pa niya ang balikat ko at nginitian ako.

I Need You (Flordeliz Series 1)Where stories live. Discover now