Chapter 6
Hide
Hindi ko alam kung paano ako haharap sa magulang niya. Napagdesisyunan kasi niya na ipapakilala niya ako sa kaniyang magulang. Kinakabahan pa naman ako. Pareho lang kami ni Div. Our parents are very strict as they only want us to focus on studying.
Naisip ko naman si kuya Jim. Siguro kaya niya nasabi ang mga salitang iyon sa magulang namin ay dahil sa sawang-sawa na siya. Siguro ay nasasakal na rin siya sa pagkokontrol ng magulang namin sa'min.
Siguro kapag hindi pa kami nagkahiwalay ni Div sa mga oras na 'pag nakatapos na kami sa pag-aaral saka ko sasabihin kina mommy at daddy ang tungkol sa relasyon namin. Sobrang tagal pa ng panahon na iyon, 6 years pa.
Nanlalamig ang mga kamay at paa ko sa pagkanerbiyos. Nininerbiyos talaga ako. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang magulang niya as if nakagawa ako ng malaking kasalanan. At iyon ang sagutin ang anak nila. Pero kung kasalanang ibigin ang anak nila, I would take the risk.
"Hello po!" Nahihiya pang bati namin sa mama at papa ni Div. I can't believe na ma-me-meet ko ang magulang niya! Bagaman nakakakaba ay natutuwa rin ako sa katotohanang makakausap ko ang mga magulang niya.
They're good looking even though they already aged. Sa nanay nagmana si Div ng mukha, ang mga mata nitong malalim, ang mga kilay niyang manipis at ang shape ng kanyang jaw. Sa Papa naman nagmana si Div ng magandang tindig at ng makapal niyang labi.
"Oh, you two are Binbin's friend?" Tanong pa ng nanay niya.
Sobrang kaba ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung paano ako magpapakilala! Kung kaibigan ba o girlfriend ang sasabihin ko? Pero baka masira ko ang mood ng magulang ni Div since they seems on cloud nine.
"Opo, we're his friends." I awkwardly smiled.
"You look familiar, hija." Anang Mama niya at itinuro pa ako. "Are you a Flordeliz?"
Napalingon ako kay Div, he just nodded at me and smiled. I sighed. "Yes po, daughter of Joan and Emeraldo Flordeliz. 3rd born."
"Kaya naman pala ka-resemble mo si Joan." She chuckled. "You such a pretty girl like your mother." Dagdag pa niya at nagkatinginan sila ng asawa niya.
"Kilala niyo po magulang niya?" Tanong ni Div sa kaniyang mga magulang.
His mommy chuckled. "Of course! Kilala sa buong D.O.S ang pamilya nila. Isa sila sa maimpluwensyang pamilya dito. At saka, kaklase ko noong College si Joan." She stated.
Pumunta na kami ng pasig uno, kung saan nakatira sina Div. "Pasok na tayo," ngiti pa sa amin ng nanay niya.
Talagang mabait ang nanay niya, maganda ang pakikitungo sa amin. Pero hindi ko maiwasang kabahan lalo na at nanay siya ni Div. At ang Daddy naman ni Div ay tahimik lang din, busy sa kaniyang phone.
"Kumain at mag-enjoy lang kayo dyan, huh?" Ngiti ng Mommy ni Div sa amin. "Bin, puntahan mo Tita mo sa sala. May ibibigay raw siya sa'yo."
"Pero Mah—"
"Sige na Div. You should enjoy your party too." Sabat ko.
He heavily sighed. "Ok I'll be back then." Pagkatapos ay umalis na rin siya.
Iginala ko ang paningin. Nahihiya ako sa daming tao. Paano ba naman, may mga iilan na nakatingin sa amin.
"Ang dami ng bisita, Bai." Bulong naman ni Nur sa akin. "Baka nandito narin ang para sa'kin." Tawa pa niya. "O! Speaking of soulmate." Kinindatan pa niya ako nang may lumapit sa aming lalaking hindi namin kakilala.
YOU ARE READING
I Need You (Flordeliz Series 1)
Teen Fiction-I NEED YOU A smart student and beautiful girl named Joanna Magna Flordeliz, has a strict parent. In her family there is only one rule. To graduate and not fall in love. The Flordeliz siblings have high grades, they have to chase their dreams befor...