Chapter 4
Flavor
A couple of days ago, nakipag-penpal ako sa kaniya. Every morning pagdating ko sa school ay may letter sa chair ko. Nasa gilid ako ng bintana at madali lang para sa kaniyang ilagay iyon. Sa tuwing lunch naman ay nakikita ko rin siya sa canteen kasama ang mga kaibigan niya. Ngunit hindi naman kami nagkakausap. Sa hapon uwian ay talagang personalan pa niya akong kinakausap.
"Uuwi ka na?" Tanong niya pa, nagsipag-uwian narin iyong iba. Si Nur naman ay kachika niya si Ella.
I lifted my uniform then nodded. "Oo, hindi ako pwedeng gabihin." Hindi ako makatingin sa kaniya kaya umiiwas na lang ako ng tingin. Kunwari ay inaabala ang sarili sa pag-aayos.
"Gusto mo ihatid kita?" Tanong niya.
Napaangat ako ng tingin sa kaniya. "Huh? M-magsasabay kami ni—"
"Nur!" Hindi na niya ako pinatapos dahil tinawag niya kaagad si Nur na ngayo'y natigil sa pakikipagchika.
"Yes Gov?" Nakangising tanong naman nito, binigyan pa ako ng nanunuksong tingin.
"Magsasabay kayo?" He pointed at me, but his gaze remained on Nur.
Napaiwas ako ng tingin at kinuha ang book sa bag ko para basahin. Mga moves mo Jonah, napaka-obvious! Akala ko nakakatulong lang ang book para palawakin ang kaalaman pero pati rin pala sa pagtago ng feelings.
"Bakit, ihahatid mo siya? Naks!" Tumawa pa si Ella at pinagsasapak si Nur.
"Sige, ihatid mo na siya pero hanggang gate lang hah."
Nakangiti naman ng todong tumango si Dhivin. Hindi ko na alam kung gaano kapula ang mukha ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sobrang kaba talaga ang nararamdaman ko sa tuwing magkasama kami.
"You really like reading, huh?" Ngisi pa niya. "Tapos na ang klase, hindi mo rin 'yan maiintindihan. Can you drop it for a while and focus on me instead?"
Nilingon ko siya, "h-huh? Nahihiya kasi ako." Naitakip ko ang libro sa aking mukha dahil ramdam ko ang pag-iinit nito. Ang honest mo naman Jonah, pwede namang magpalusot.
My lips parted as he took the book out of my face. Ngumiti pa siya at mas lumapit sa akin, palabas na kami ng ILSHS campus. "Ang cute mo." Hindi ko pa inaasahang kurutin niya ang pisngi ko. Kaya mas lalo tuloy uminit ang pisngi ko. "You're blushing again, Jonah." He laughed, teasing me.
"Ang harot mo Gov!" Sigaw ng nasa likod namin kaya napalayo ako sa kaniya.
Ngumisi lang siya hindi pinapansin ang mga kaibigan ko sa likod. "Jonah," pagtawag niya kaya napalingon ako sa kaniya.
"Hmm?"
"Magician ka ba?" Tanong niya nang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi.
Natawa ako nang mahina, pick up line ba 'yan? "Bakit?"
"Because whenever I looked at you, everyone else disappears." Banat niya sabay kindat sa'kin.
Hindi ko napigilang tumawa nang malakas. "I didn't see that coming."
Napakamot naman siya ng batok. "Corny ba?"
Natatawa pa rin akong umiling. "Ayos lang, nice try."
YOU ARE READING
I Need You (Flordeliz Series 1)
Novela Juvenil-I NEED YOU A smart student and beautiful girl named Joanna Magna Flordeliz, has a strict parent. In her family there is only one rule. To graduate and not fall in love. The Flordeliz siblings have high grades, they have to chase their dreams befor...