Chapter 2

12 0 0
                                    

Naging patago ang set up namin ni Allen. Nagkikita kami pero hindi na sa mga matataong lugar to avoid gossips. Mahirap, masakit at nakakababa ng pagkatao. Minsan naiisip ko na itigil nalang to pero paulit-ulit na sinasabi ni Allen na hihiwalayan nya si Samantha. Na maghintay lang ako.

I know Allen. Alam kong mahal nya ako. Katulad ko, nahihirapan din sya kaya ayokong iwan sya sa sitwasyon na to. Ilalaban namin to.

"Ang lalim ah. Baka malunod ka." nabalik ako sa wisyo nang may magsalita sa tabi ko.

"Hindi ko alam na nagpupunta ka rin pala dito." agad syang napasimangot at napahawak pa sa dibdib na akala mo'y nasasaktan.

"Ano ka, tambayan ko kaya tong Library." sagot nya naman.

"Ang hirap paniwalaan."

"Well, maniwala ka na. Ang sarap matulog dito. Tahimik na, malamig pa." aniya sabay kindat pa. Inirapan ko naman sya at saka tumayo na para lumabas. Nagpunta lang naman ako dito para magrelax dahil gaya nga ng sabi nya, tahimik dito.

"Aalis ka na? Ayaw mo ba akong samahan matulog muna?" aya nya pa sa akin. As if naman na papayag ako.

"Asa ka pa, Noel. Asa ka." dali dali na akong lumabas dahil masama na ang tingin sakin ng librarian dahil medyo napataas ang boses ko.

"Iiwasan mo parin ako? Bakit? Dahil kay Allen parin ba? Hindi ba kasal na sya?" inis akong lumingon sakanya.

"Bakit mo ba ko sinundan? At saka bakit ba ang daming tanong? Stay away from me." imbes na mainis, lalo lang syang ngumisi.

"Kung noon dumistansya ako para respetuhin ang relasyon nyo, iba na ngayon Lorin. Iaalis kita sa maling desisyon na pinasok mo. You deserve more than that. Kaya no, I will not stay away from you." mariing sabi nya bago ako lagpasan.

Bakit ba lahat nalang sila sinasabi na mali ang desisyon kong ipagpatuloy ang relasyon ko kay Allen? Ano ba sa kami ang nagmamahalan ang hindi nila maintindihan? Bakit ang hirap ipaintindi sakanila na sa papel lang kasal si Allen. Na matatapos din yon agad.

Dumagdag pa sa isipin ko si Noel. First year ako ng makilala ko sya. Classmates kami sa isang subject, typical badboy aura na walang hilig sa pag-aaral. Yon sya. Naging magpartners kami sa isang buong sem kaya don ko sya mas nakilala. Noong una, ang cold at suplado nya. Hanggang sa tumiklop sya dahil di ko talaga sya uurungan. Kung sumpungin sya, mas sumpungin ako.

Naging magkaibigan kami. Mabait naman pala sya. Suplado at masungit lang talaga kung minsan. Pinakilala ko sya kay Allen at Denisse. Kami na ni Allen nung time na yon. Sinabihan ako ni Allen na wag maging masyadong malapit sakanya dahil may iba syang nararamdaman dito. At tama nga ang hinala nya.

Second year na kami nang umamin sya na gusto nya daw ako. Pero hindi naman nya pinilit. Gusto lang nya na malaman ko ang nararamdaman nya pero nirerespeto nya ang relasyon namin ni Allen.

Hanggang sa hindi ko na namalayan na natapos na pala ang buong taon na hindi na kami nagpapansinan. Nagkaroon nadin sya ng girlfriends. Papalit palit na parang laruan lang ang mga babae.

Nag-usap nalang kami ulit nang mag 3rd year na kami. Inisip ko na okay na sya, okay na kami. Hanggang sa nagkaroon ng party ang isa sa senior namin sa block. Nalasing sya at don nya sinabi na hanggang ngayon, ako parin talaga. Na hulog na hulog sya sakin. Nabigla ako dahil umiiyak sya nang gabing yon. At pagkatapos rin ng gabing yon, tuluyan na akong lumayo sakanya. Para narin matulungan sya na kalimutan ako.

Noel is such a soft guy. Mayabang at masungit lang sya outside, but he's a good guy deep inside. Swerte ang taong magmamahal sakanya, unfortunately hindi ako yon.

"Nakasalubong ko si Noel, nagkita ba kayo?" bungad ni Denisse. Nagkibit balikat naman ako at tumuloy sa paglakad.

"Alam mo, pano kung si Noel naman pala talaga yung para sayo?" natigilan ako sa sinabi nyang yon at saka pagod na humarap sakanya.

"Heto na naman ba tayo? Akala ko bang suportado mo na kami?" tanong ko sakanya. Mabilis nya akong nilapitan at inakbayan.

"Im just stating some possibilites Lorin. Malay mo."

"Well, imposible yang possibility na sinabi mo." agad syang natawa habang tuloy parin kami sa paglakad.

"Parang yung imposible na makasal si Allen sa iba? Ano na, Lorin? Hindi ba nangyari na?" hindi ako nakasagot sa binato nyang yon. Kaibigan ko ba talaga to. Nananakit e.

"Sige, una nako. Magstart na klase ko. Later nalang." dali dali itong umalis nang mapansing literal na natigilan ako.

Kasal na nga pala talaga sya. Sa iba.

Pumunta na rin ako sa huling klase ko ngayong araw. Alas tres lang ang tapos ng klase ko at may usapan kami ni Allen na magkita mamayang alas kwatro. Kanina pa kasi sya walang klase. Iba iba kasi kami ng kinuhang major, kaya madalang lang kami magkaroon ng magkasabay na schedule. Malapit nadin kaming mag OJT kaya alam kong mas magiging busy kami ngayong huling taon namin sa kolehiyo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon