Chapter 1

13 1 0
                                    


"You know what? Nababaliw ka na. My God, Lorin! Kabit? Seryoso ka ba?" sermon ng kaibigan kong si Denisse.

"Ikaw ang nababaliw dyan! Wag ka ngang OA." sabay bato ko ng kinakain kong tinapay sa kanya.

"OA? Kasal na si Allen, Lorin! Kasal! Kasalanan sa Diyos yang ginagawa mo!" bulyaw nya pa ulit.

Saglit akong natigilan. Pinipilit kong iwasang isipin na mali ang desisyon kong ito. Gusto kong isipin na hindi ito mali, nagmahal lang ako.

"Makikipaghiwalay din si Allen sakanya kapag namatay na yung lolo nya. So, all I have to do is to wait."

"Naririnig mo ba yang sarili mo? Kung makikipaghiwalay naman pala sya, then wait hanggang sa dumating yung araw na yun. Pwede ka namang maghintay nang hindi ka nagiging kabit."

"You know that I can't do that. Mahal na mahal ko si Allen, highschool palang tayo sya na ang mahal ko. Isang buwan lang akong nawala tapos pagbalik ko kasal na sya, sa tingin mo ba masaya yon?" with that, lumandas ang mga luhang nag-uunahan sa pagbagsak.

"I love him so much Denisse, alam mo yan. I can't imagine my life without him. Hindi mo alam kung gaano kasakit na malamang kinasal na sa iba ang lalaking pinangakuan ka ng kasal. Hindi lang basta umikot ang mundo ko sa kanya Denisse. Siya ang naging mundo ko. Kaya paano ko tatanggapin ang lahat ng ito?" patuloy ang pag-iyak ko habang yakap yakap ako ni Denisse at inaalo. She's my bestfriend, alam kong hindi sya masaya sa desisyon ko pero alam kong maiintindihan nya rin ako.

"Hindi ko gustong maging kabit. Ang sakit sakit para sa akin na maging ganito nalang. Mahal namin ang isa't isa. Mas hindi ko kakayanin ang sakit sa tuwing iisipin ko na mahal namin ang isa't-isa pero wala kaming magawa. Kaya kahit na mali para sainyo wala na akong pake, kasi Denisse sa ganitong paraan lang kami sasaya."

———

Unang araw ng klase ko kaya naman hindi na ako nag-aksaya ng energy na magmadali kahit na 10 AM na. Siguradong wala namang gagawin sa unang linggo ng klase.

Graduating na ako. Kami nila Allen at Denisse. Iisang university ang pinapasukan namin dahil yon talaga ang plano namin noong highschool palang kami. Ang sabay sabay makapagtapos sa iisang unibersidad.

Iisa lang din ang kursong kinuha namin. Business Administration, dahil kami ang tagapag mana ng kanya kanyang kompanya ng aming mga pamilya.

Kasalukuyan akong nag-aayos ng buhok nang maramdaman kong nagvvibrate ang phone ko. Agad ko naman itong sinagot nang makitang si Denisse iyon.

"Nasaan ka na?" bungad nya.

"Good morning ha? Nasa bahay pa. Why?"

"Nandito na ako, paki bilisan naman."

Binaba ko na ang tawag at dali-daling bumaba sa kusina para kumuha nalang ng tinapay para kahit papano ay magkalaman naman ang tiyan ko.

Inabutan ko si mommy na nagbabasa ng dyaryo sa sala. Humalik lang ako sakanya at saka diretsong lumabas ng bahay.

"Hindi ka muna ba kakain?" hindi ko namalayan na nakasunod pala sya.

"Sa school nalang po 'mmy."

Tinawag ko na ang driver at nagpahatid na sa campus.

Habang nasa byahe ay katext ko si Allen. Sinabi nya na nasa campus nadin sya kasama ni Samantha. His wife. Nasa iisang bubong sila pero ng sabi nya'y si Sam lang ang natutulog sa kwarto nila habang sa guest room naman sya. Alam rin ni Sam na hindi naman kami naghiwalay ni Allen at ipprocess ang annulment nila sa oras na mawala ang lolo ni Allen.

May sakit ang lolo ni Allen at ang sabi ng doktor nito ay nasa isang taon nalang ang itatagal nya sa mundo.

Napamahal na rin sakin si lolo Anton, ang lolo ni Allen, kaya hindi ko naman ipagdarasal ang maagang pagkawala nito para lang tuluyan ng mahiwalay si Allen kay Sam.

Ngunit ang hindi ko alam ay kung bakit ang pagpapakasal pa sa ibang babae ang hiniling nito sa apo bago sya mawala, gayung alam naman nya na ako ang mahal ng apo nya.

Hindi ko tuloy maiwasang sisihin si lolo Anton dahil naiipit kaming tatlo sa sitwasyong ito.

Pinuntahan ko si Denisse sa cafeteria dahil sabi nya'y kumain na muna kami bago pumasok sa auditorium para sa assembly.

Saktong pagpasok ko ay nakita kong kasama nya sa table si Allen. Nakita kong may pagkain naring nakahanda para sakin sa tabi ng upuan nya.

Akmang hahalikan ko sya nang umiwas sya sabay tingin sa paligid.

"Girl, konting distansya. Baka nakakalimutan mo, kasal na yan." bulong ni Denisse na nagpabago naman sa reaksyon ni Allen. Biglang lumungkot, biglang nagkaroon ng awa sa kung paano nya ko tignan.

Nginitian ko nalang sya pagtapos ay umupo upang kumain na. Tahimik ang loob ng cafeteria dahil iilan lang kaming nandito ngayon. Nasa auditorium na siguro ang iba.

"Hindi ba kasal na yan? Bakit magkasama parin sila?"

"Baka hindi naman naghiwalay."

"So, kabit na sya?"

"Parang oo, parang hindi. Ang sabi sabi, ipinakasal lang daw yang si Allen, pero hindi naman nila mahal isat-isa. Saka, si Lorin naman talaga ang girlfriend nya hindi ba?"

Kunwari pang nagbubulungan pero rinig na rinig naman namin ang chismisan ng ilang estudyante sa kabilang table. Natigil lang sila nang padabog na inihulog ni Denisse ang kutsara at tinidor nya sa sahig, dahilan para maagaw ang atensyon ng mga chismosang yon.

"Tapos na ba kayo?" tanong nya. Halata naman ang pagkalito sa mukha ng mga ito. "Kung tapos na kayo sa chismisan nyo, makakaalis na kayo. Naiistorbo nyo ang ibang mga kumakain. Kainan to, di chismisan area." mataray na sigaw nya. Agad namang nagsialisan ang mga ito.

"Kita nyo? Yan ang consequence ng naging desisyon nyo." kami naman ang hinarap nya.

"Look. Saksi ako sa lovestory nyong dalawa, pati narin ang campus na to saksi kung gano nyo kamahal ang isa't-isa. Pero kung iisipin nyo na mabubura non ang katotohan na kasal ka na-" sabay turo nito kay Allen. "Well hindi. Kasi maling mali parin talaga."

Para akong sinampal ng katotohan na iba na nga pala ngayon. Hindi na kami pwedeng magsama ni Allen sa harap ng maraming tao. Hindi na.

"Pero mahal ko kayong dalawa kaya sige, nandito lang ako para suportahan kung saan kayo masaya. Pero Allen, siguraduhin mo lang sana na aayusin mo to. Dahil sa oras na magkandaloko loko lahat to. Ako mismo ang sasampal sayo."


Sorry for the grammatical errors and typos.

The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon