Behind The Scene

83 8 1
                                    

T.R.A.P.
-Behind The Scene-


*

William

*

*yawn*

"I Love You, LOKO." I said but she didn't respond

"I Love You, LOK--"

*KRUNG* [hilik poh yan.. hehehe]

Napangiti nalang ako nang hindi oras. Hindi pa rin sya talaga nagbabago. Palaging kapag magiging sweet ako sa kanyax, nakakatulog naman sya. Napangiti nalang ako at napailing nang pinagmasdan ko ang kanyang magandang mukha.

Btw, nandito pala kami sa bahay na nire-rent ko at kasalukuyang nanununod kami ng movie. Actually, movie marathon kami ngayon. Kung ano-ano ang pinapanuod namin, mula nung umalis si Jamaila.

Binuhat ko naman si LOKO at pinasok ko sa kwarto nya. Don't get me wrong. Hindi pa kami kasal at hindi rin kami nakatira sa iisang bahay. Dahil lang sa Christmas Vacation ngayon ay nandito muna sya. I mean, nagpaalam naman syana dito muna sya. Pinayagan naman at may habilin ang itay nya sa akin at alam nyo na yun kung ano yun. Hindi rin kami nagtatabi sa kwarto dahil may tatlong kwarto dito sa bahay na to.


Dahan dahan ko syang binaba sa kama nya baka magising kasi sya. Pagkatapos nun ay lumabas sin ako agad ako.

Pagkalabas ko, nakita ko sya.

"Oh? AKala ko tulog ka na." Sabi ko pero hindi sya naimik. Nakatingin lang sya direkta sa mata ko.

"Tigilan mo nga yan. Naiilang ako. Atsaka matulog ka na nga dun sa kwarto mo." Sabi ko na paiwas ng tingin. Hindi talaga ako sanay na tinititigan sa mata ng kahit sino. I mean, kahit playboy ako nuon, iyon ang kahinaan ko.

At sya naman ay inirapan ako at pumunta sa tapat ng kwarto nya. Napabuntong hininga nalang ako. Hanggang ngayon ay galit parin sya sa akin. Paalis narin sana ako kasi akala ko ay nakapasok na sya sa kwarto nya nang magsalita sya.


"I hate you, Kuya. Hindi ko parin matanggap na mas pinili mo yang babaeng yan over your family. Mas pinili mo sya kaysa sa amin. Nakakaawa ka, kuya dahil nang sa maling pagpili mo. Nawala sayo lahat, kuya. Nawala yung mga bagay na gustong gusto mo, kuya. Nawala lahat. Hindi ka ba nanghihinayang dun. Nawala rin sayo ang pamilya mo, kuya. Kaya lang naman ako dito to prove to you that the family is more important kaysa sa babae mo." - sya

"Hindi mo kasi ako maintindihan Stacy. Hindi mo ako maintindihan kasi hindi ka pa nagmamahal ng ganito. Hindi mo maintindihan kasi wala pang nagmamahal sayo ng ganito at hindi mo maintindihan dahil hanggang ngayon isip bata ka parin." -ako

"Hindi ko talaga maintindihan, kuya. Pero anong akala mo sa akin, immature and childish na walang alam sa pagmamahal at hindi marunong magmahal. How dare you, kuya. Nang dahil sa babae mo, you make me cry a hundred times. Mas iniyakan pa kita sa EX kong manloloko." sabi nya at alam kong umiiyak na sya ngayon dahil rinig na rinig ko ang mga hikbi nya at halata rin ito sa boses nya. Pumiyok sya sa dulo at kahit mahina lang ang pagkasabi nya narinig ko to ng malinaw.

At dahil duon ay natigilan ako. Hindi ko kasi alam na nagmahal na pala sya at minahal na pala sya. Pero bakit ganun? Bakit wala akong alam tungkol duon? Dati naman ay agad naman syang nagsasabi sa akin.

T.R.A.P.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon