~ ~
“Mia, meet Jacob.
Your Fiance”
Saglit na natigil ang mundo ko. Teka totoo ba ‘tong nangyayari? Nasa harap ko ngayon ang lalaking kinababaliwan ni bestfriend at isang oh-so-popular na student buddy ng university.
Napapikit ako at kinusot ang mata. Baka namamalikmata lang ako kaya inakala kong siya yun.
Kaso, Jacob rin ang pangalan niya…
Maraming Jacob sa mundo Mia.
Tama tama maraming Jacob ang pangalan na magkakahawig… pero
“Impossible.” Ayun na lang ang nasabi ko.
“Pardon?” sabi ni Tita Isabelle, mommy ni Jacob na fiance ko RAW, habang nakahawak sa wine glass niya.
“Nagulat lang ata si Mia Mom, Ganyan talaga ‘pag nagugulat, kung anu-ano ang nasasabi.” It’s his turn to talk. Walang pagdududa, sa boses pa lang niya, I’m 100% sure na siya nga si-
“Jacob Ismael Vollard” pagpapakilala niya sabay lahad ng palad.
“Jacob I-ismael…” I’m stuttering while saying his name. simula pa kanina, hindi pa rin nagsisink in sa utak ko na kaharap ko ngayon ang taong…
“Charming isn’t he?” sabay hagikgik ng Mommy ko. Bigla namang napatawa sina daddy pati na rin si tita Isa and Tito Frank habang si Jacob, nakangisi lang. Mukhang feel na feel niya yung sinabi ni mommy.
“Oh Cass, wag mo nang gatungan ng compliments ang anak kong yan, lalaki nanaman ang ulo” pagbabala ni tita habang nakatingin sa anak niya.
“Oh Isa, It’s true naman, so you don’t have to worry. Lumaki na ang ulo niya sa mga sinasabi ko dahil totoo ang lahat ng yun.” Ginatungan nanaman ni mommy kaya eto ang lawak ng ngiti ng future fiancé ko.
Future Fiance
“Ehem” Napatigil ang lahat sa pagtawa at napafocus kay Jacob na nakalahad pa ang palad. Problema ne’to?
“I’ve already introduce myself, it’s your turn to do so … Mia” Nakatingin siya sakin, or should I say sa mga labi ko habang sinasabi yun. Nakaramdam ako ng konting sparks sa mata niya habang unti-unting binanggit ang pangalan ko.
Umayos ako ng upo at aabutin ang kamay niya for shake hands nang bigla niya itong binaba.
“Oh Look, the food’s ready. Let’s eat” pag-annouce niya na para bang wala lang sa kanya yung pagpapahiya sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/32310315-288-k251963.jpg)
BINABASA MO ANG
He's Jacob Ismael
Novela JuvenilI fell for him when he doesn't give a damn about me. What will i expect? He's Jacob Ismael afterall.