~~
“Bestie naman eh! Hindi ka nakikinig sa kwento ko! Nakakatampo ka!” naramdaman ko na lang ang malakas na hampas mula kay Lelai.
“Huh?” takang napatingin ako sa kanya habang nakabusangot siya sakin.
“SEE? WALA YUNG FOCUS MO SAKIN!” bigla niya kong hinagisan ng fries.
Nasa canteen kami ng univ dahil lunch break na. Dumaan na ang ibang subjects pero masyado pa ring occupied ang isip ko dahil sa text niya kagabi.
Wala naman talagang nakakakilig dun, aminado ako pero sa sleep na sinabi niya? Parang natunaw ako. Masyadong mababaw pero nakaramdam ako ng kaunting care dun.
Kaya naman imbes na 8 hours ang tulog ko, naging 2 hours na lang.
“Sorry bestie, May iniisip lang ako.” Matamlay kong sagot sa kanya. Nang mapansin niyang malamlam ang mata ko dahil sa puyat, bigla niya kong pinitik sa noo. A typical bestfriend. MAPANAKIT
“Ouch. Puyat na yung tao sinasaktan mo pa!”
“Eh sino kasing nagsabing magpuyat ka? AKo ba?” Hindi ikaw bestie! Yung crush mo!
“Oh ano na? Tulalay forever?” sabi niya nang hindi ako nagsalita. Well, wala akong balak magsalita dahil inaantok na’ko.
“Sure. I’ll call Miss para maapprove agad yung proposal.”
Nagising ako bigla sa pamilyar na boses. Kasabay nang pagtili ni bestfriend.
“Si Jacob oh!!” kinikilig na sabi sakin ni Lelai habang hampas nang hampas sa braso ko. Ang sadista ne’to pag kinikilig!
“Aray naman best, baka biglang lumobo ‘tong braso ko sa paghampas mo.” Pagpapaalala ko sa kanya. Nagiging palo bag kasi ako sa tuwing kinikilig siya everytime na makikita si Jacob. Ewan ko ba kung bakit patay na patay ‘to sa lalaking yun.
Ewan nga ba mia?
Tumingin ako sa direksyon na tinitignan ni Leila. Nagulat ako dahil nakatingin siya sa table namin, or sa akin…
Umiwas ako ng tingin at nasapo ang noo ko.
“Ano ba naman Mia, puyat ka lang kaya naghahallucinate ka. Impossibleng tumingin siya sayo.” Pagpipilit ko sa sarili.
“Mia” sabay yugyog
“Mia” Yugyog ulit
“Mia OH MY FREAKING GOSH” Yugyog ulit pero mas harsh na
“MIA!” tumingin na’ko kay Leila dahil kapag dinedma ko pa siya, I’m sure maaalog ng bongga ang utak ko sa pagyugyog niya.
“Look…” sabay turo sa likod ko.
Napalingon naman ako at biglang napasinghap.
“OH MY FREAKING GOSH” Yan na lang ang nasabi ko nang unti-unting lumapit si Jacob sa table naming habang nakangiti.
Kinikilig ako! Act normal Mia!
Tumigil siya sa harap namin at may pinatong sa table.
“Akin ba yan?” Pabungad ni Leila na ikinabigla ko. ABA nauna siyang nakapagreact kumpara sakin. And to think na head over heels siya sa lalaking ‘to.
“I’m afraid to say na it wasn’t meant for you miss…” sagot naman ni Jacob at agad na tumingin sakin. “That’s yours Mia”
Maraming nagulat kabilang ako, dahil sa harap nang almost whole school population ay nagbigay siya ng gift sakin na para bang way of confessing.
Napansin ko rin ang kilig na kilig na katabi ko, Napatingin ako sa kanya.
“What? Nakakakilig kaya!”
Magpapasalamat sana ako sa kanya kaso naglalakad na siya palayo.
Teka, ano ‘to….
Baby
Bakit may nakalagay na baby sa card? Teka hindi kaya….
OH MY GOSH!
AYoko mang mag-assume pero kinikilig ako.
Una yung SLEEP ngayon naman yung BABY!
“JACOB!”
Agad naman siyang lumingon sakin na nagtataka.
Tumayo ako at palapit na sa kanya.
“Ano ka-“ Naputol ang pagsasalita ko nang sumigaw si bestie.
“BABY?!”
Napatingin naman samin yung mga estudyante. Mukhang naghihintay ng susunod na mangyayari.
Kumunot ng noo si Jacob na para bang nagtataka, at saglit lang din ng mapatawa siya.
“Oh that?” Sabay turo sa gift na hawak ni bestie.
“That’s a gift from MOM”
Napatulala ako nang marealize ko ang sinabi niya at ipagdiinang galling yun kay tita isa at hindi sa kanya.
Nagpatuloy siya ng paglalakad hanggang sa makalabas ng canteen. Ilang saglit lang ay biglang nagtawanan ang lahat.
Napayuko na lang ako at napakuyom ang palad.
You did it again Jacob…
BINABASA MO ANG
He's Jacob Ismael
Teen FictionI fell for him when he doesn't give a damn about me. What will i expect? He's Jacob Ismael afterall.
