Chapter 3

2 0 0
                                    

~~

“Hindi ka ba naiinis or nagseselos sa mga nalaman mo?” tanong ko kay bestie habang nakatingin sa kanya.

“Nah. Nagulat lang ako pero…” nabaling ang tingin niya sakin habang kumikislap ang mata. Impossible yun pero sa nakikita ko mga mata niya, parang gusto ko nang maniwala.

“Pero ano?” Kinakabahan kong tanong sa kanya. Nalaman na kasi niya ang arrange marriage naming ni Jacob.

Kung papaano?

Kinulit ba naman ako nung araw na natanggap ang regalo ng MOMMY ni Jacob kaya napaamin na rin ako. Honestly, sasabihin ko naman talaga sa kanya yung totoo pero hindi ganun kaaga.

“Kinikilig ako sa inyo! YIE!” after nun, nagtatalon na siya sa kama at lumapit sakin para kilitiin ako pero mabilis akong lumayo.

“UY matapon yung popcorn! Lalanggamin tayo!” pagsuway ko sa kanya dahil konting galaw na lang niya ay matatapon yung popcorn sa carpet ng kwarto ko. Friday night ngayon at eto an gaming bonding time… ang manuod ng movies.

“Eh di linisin! Para namang magsstay lang yung popcorn sa carpet mo FOREVER” sarkastiko niyang sabi sabay baba ng kama para pumasok sa kwarto.

Isang linggo na rin pala ang nakalipas after nung announcement ng marriage ng mga magulang namin. At sa loob ng pitong araw na yun, dalawang beses na niya kong napahiya at isang beses na napakilig… excluded yung canteen scene dahil napahiya ako nun.

“Sana kulitin ka ni Tita para itext ako.” Sabi ko habang nakaharap sa phone. MAniwala man kayo sa hindi, para akong tanga ngayon. Hindi dahil sa kumakausap ako ng phone kundi naghihintay ako ng text sa taong kinaiinisan ko pero on the other side, yung taong kinikiligan ko ng 0.01%.

After kasi nung Sleep-sleep niya, wala ng sumunod pa.

1 msg received

Bigla akong napatayo nang marinig ang message tone, gosh may nagtext.

Kahit impossible na magtext siya dahil wala namang reason para magtext siya sakin, pinipilit ko pa rin na sana siya yung nagmessage.

Kumakabog yung dibdib ko habang dahan-dahang pinindot ang icon ng message.

From: 8888

Ang iyong Combo20 ay expired na.

Humiga ako at napatawa ng malakas. Mukha na kong baliw rito.

“Buti pa yung 8888 nagtetext, eh siya? Hindi nagtetext at mukhang wala talagang balak.” Bitter na sabi ko pagkalabas ni bestie sa banyo.

“Anong drama yan?” tanong niya habang napupunas ng mukha. Kakatapos niya lang maghilamos pero yung eyeliner niya halata pa rin.

“Yung eyeliner mo hindi natanggal.” Tugon ko habang patayo para pumasok na sa banyo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's Jacob IsmaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon