Hard To Get Karma
© DropdownbymygravityContinuation..
Kinabukasan ng magising ako ay para akong baliw. Ngiti ng ngiti. Kilig na kilig. Bakit hindi? Mali ba? Hindi ba pwede? Hindi naman di ba? So okay lang.
Hindi man si Rick ang naimagine kong magiging karma ko. Hindi man si Rick ang naimagine kong dream man ko. Pero shit kinikilig pa rin talaga ako.
Huwag ko lang talaga maalala na may event syang pupuntahan ngayon at susuotin na ng date na sinasabi nya ang ginawa kong gown.
"Prestine!" Tili ni Zeth ng makita akong papasok ng boutique. Kinunotan ko sya ng noo. Minsan talaga hindi na mawawala sakanya ang pagiging maingay nya. Parang hindi sya may ari ng isang sikat na brand ng damit para umasta ng ganyan. Mabuti nalang talaga at natutuwa ang mga taong pumupunta dito kaysa naiinis.
"Good morning Miss Prestine." Bati sa akin ng isang empleyado. Tinanguan ko sya at inentertain agad ang isang teenager na narinig kong tanong ng tanong sa isang empleyado kung ano ba daw ang bagay sakanya.
"Ahm miss, can you help me pick? Hindi ko kasi alam kung ano bagay sa akin eh. Kung eto ba, eto o eto." Nakapout pa sya. Tinignan ko ang features nya. Petite. Morena. Maganda. Matangkad. Tinignan ko ang mga nasa kamay nya at kinuha ito isa isa para tignan. Tinapat ko pa ito sakanya para tignan.
"Miss Prestine may nagpapabigay." Salita ng nasa likod ko. Sinignalan ko sya ng sandali lang dahil may ginagawa pa ko.
"Ano pinaka gusto mo sa tatlo?" Tanong ko. Bagay kasi sakanya ang kahit ano. Beigh, black and navy blue. Iba iba nga lang ito ng designs at pagkafit.
"I prefer this one." Turo nya sa black na body hug dress na above the knee. Ngumuso ako at tinignan kung bagay ba ang itim sakanya.
"Miss Prestine may nagpapabigay po." Tawag ulit sa akin.
"Mamaya na please." Inis na sagot ko. Kitang may ginagawa eh. Bakit ba ang kulit?!
"I really don't know what to choose, really. Gusto ko po kasi sana yung babagay sa akin. Wala po kasi yung Mom ko para samahan ako so wala po akong idea sa pagpili." Tumango tango ako at kinayag sya sa rank ng iba't ibang styles at kulay ng mga dresses.
Hinanap ko ang isa pang design na napili nya pero kulay red naman. Ng makita ko ito ay iniangat ko ito at ibinigay sakanya. "Try mo to. It's the same style, color red nga lang." Ngiti ko. Excited syang pumasok sa fitting room at ilang sandali pa ay lumabas na sya soot ang binigay ko. Nakangiti syang lumapit sa akin at umikot ikot. "Oh my G! I like it!" Halos kinikilig nyang papuri sa damit. Lumapit ako sa lagayan ng mga sapatos at kumuha doon ng dalawang styles ng sapatos. Isang itim at isang gold, she's probably size 7.
"You can choose from these. Ayon ay kung wala ka pang gagamitin." Umiling sya at umupo sa upuan.
Kinuha nya ang itim, sinjkat ito at ganon rin sa gold.
"Hmm. You can't choose yet?" Tanong ko. Para kasi syang nagmimini minimo sa isip nya dahil sa matang palipat lipat sa mga sapatos.
"I'm sorry pero pwede mo rin po ba kong tulungan. Busy ka po siguro pero kailangan ko po kasing maimpressed yung fiançe ko eh." Kumunot ang noo ko.
"You look like 17. May fiançe kana kaagad?" Tumango sya at hinayaan ko nalang ang kwento nya. Tsk. Rich people nowadays. Ginagawang bagay ang mga kabataan. Parang sinasangla sa kabilang panig ang mga anak bilang colateral.
"This suits you." Turo ko sa gold.
"You need anything?"
"Ahm. Meron pa po. Pouch bag and accesories. Pupunta rin po ako ng salon for make up and hair." Natuwa ako sakanya kaya kahit hindi naman talaga ito ang forte ko ay inalok ko sya.
BINABASA MO ANG
Hard To Get Karma
Romance"You want a game? Then we will play." - RK Montero "Trying to win a game but I end up failing and falling." - Prestine Winters