Chapter 36

456 21 4
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity


A/N: Sorry maikli! Kiligin sana kayo. :)


Play the song: NO ONE ELSE COME CLOSE by JOE (YOUTUBE or sa music nalang po. Mas mararamdaman nyo yung chapter kapag pinakinggan nyo yung kanta. Pero okay lang rin kahit wala.)


Chapter 36


Continuation..


RK's POV


As time goes by ay mas dumadami ang mga nasasabi ko kay Prestine. I don't mind that she knows every detail of my past. Kailangan ko naman talagang ishare sakanya ang mga bagay na yon dahil ayon ang nararapat, if I want her to be a part of my future then she better know how evil I am before I met her and if telling her everything can make her trust me and stay beside me then so be it. I love her so much and I never loved anyone else in my life like this before. Sya palang.


Umupo kami sa couch at binuksan ang TV, I still need to be distracted. Ayokong magalit ng sobra dahil lang sa pagkukwento ko ng mga bagay tungkol sa nakaraan ko.


"Justin is my step brother. Anak sya ni mom sa labas. Ilang taon rin ang agwat ko sakanya. Habang lumalaki ako mas nakakaramdam ako ng matinding selos. My mom love him so much and she's not giving me anything, as in wala, ni tignan nya nga ay hindi nya magawa. Everyday of my life way back then ay parati nalang akong gumagawa ng mga bagay na tingin kong pwede kong magawa mapansin nya lang ako. Every year top 1 ako sa klase, may inuuwing iba't ibang award at medals galing sa iba't ibang competitions sa school pero wala. Wala pa rin. Para akong invisible sa mga mata nya. Ang tanging naririnig ko lang sa kanya ay ang pangalang Justin. Ang pinapansin at ang inaalagaan nya lang ay yung kapatid kong si Thine. Pero ako? Parang hindi nya anak. All I want when I was a kid was her attention but she never gave me what I want. Hanggang sa nagsawa nalang ako sa kakasubok. Nabuo na rin ang galit ko lalo na ng magkaisip ako at malaman ko ang totoo kung sino ba talaga si Justin. I became a rebel when I knew about him. Kaya ng makilala ko sya noong college ako nagawa ko yon sakanya, sa kanila ni Tarra. I never regretted it though, ang tanging pinagsisisihan ko lang ay hindi ko kaagad tinapos ang paghihirap ni Tarra, my step brother deserved to suffer but not her. Maybe that's why I turned out like this. Masama, walang pakielam sa iba, hindi masaya. Pero lately parang nakokonsensya na ko, nasasaktan na ko, nararamdaman ko na rin na sobrang nagmamahal pala ako. Hindi ko kasi inakala noon na magmamahal pa ko eh."


Bumuntong hininga sya at umupo sya mga binti ko. Mahigpit ang pagkakayakap nya sa leeg ko but somehow, that hug didn't bother me, comfort ang nararamdaman ko sa klase ng yakap na ibinibigay nya.


"Don't distract me Prestine. Nagkukwento pa ko. Ayokong mapunta tayo sa kama ng hindi ko natatapos to." Mahina nyang hinampas ang dibdib ko at kinulong ang mga pisngi ko sa mga palad nya. Hinalikan nya ang noo ko, ang ilong ko, ang mga pisngi ko at ang labi ko.


Napangiti ako sa ginagawa nya.


"Siguro kaya masyado akong ganid sa atensyon mo dahil hindi ko pa nararanasan mahalin ng kahit na sino." Huminto sya sa ginagawang paghalik sa iba't ibang parte ng mukha ko at tinitigan ako. Napapansin ko ang nagbabadyang luha sa gilid ng mga mata nya kaya ngumiti ako para sana ay mapangiti sya.


I maybe sound too cheesy but I need to say this to her now. She needs to know how much she mean the whole world to me. She needs to know how much I treasure her and how I am so grateful having her.


"Wala naman akong ginawang tama sa buhay ko di ba?" Kinalas nya ang pagkakayakap nya sa akin at tinitigan ulit ako. Nagtataka ang mga mata nya at hindi nakuha ang sinabi ko.


"Huh?"


"Wala akong ginawang tama sa buhay ko sabi ko. Marami akong sinaktang tao, naging masama ako halos buong buhay ko pero binigay ka pa rin sakin ng Diyos? Ano bang ginawa ko para maging napaka swerteng tao at maging deserving sa blessing na to?"


"Rick Kaizer Montero tigilan mo nga ako! Mamamatay na ko sa kilig eh!" Namumula nyang sabi. Niyakap nya ulit ako na ikinatawa ko.


"Edi kiligin ka. Wala naman akong balak ihinto ang pagpapakilig sayo."


"Ehhh! Hindi ako sanay!"


"So? Edi masanay kana." Kibit balikat ko. Pinisil nya ang mga pisngi ko.


"Ang cute mo." Nakangising sabi nya.


"Gwapo ako. Hindi aso." Irap ko.


"Sus! Mayabang!" Hampas nya sa akin. Pinigilan ko ang kamay nya at hinawakan ito sa magkabilang kamay ko. Pinagsaklop ko ito at hinalikan pareho habang nakatitig sa mga mata nya.


"Wala na kong pakielam sa iba Prestine. Kahit hindi ko na maramdaman na mahalin ako ng sarili kong ina at ng iba pa basta ba nasa sa akin ka at mahal mo ko, okay na ko. Mahal na mahal kita. Sobra. Hindi ko na kakayanin kapag nawala ka."


Ng bigla syang humagulgol ng iyak ay hindi ko alam kung matatawa ba ko o maiiyak kasabay nya.


"Ayoko ring mawala ka sakin Rick. Kung mahal mo ko mas mahal kita. Kapag nawala ka baka ikamatay ko na." Bigkas nya sa bawat paghikbi nya.


"Marry me then?"


-

To be continued..

Hard To Get KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon