Hi im angel lyka fermosa, 17 years old, 2nd year college, maganda, medyo masungit pero minsan lang hindi naman masyasong sexy pero okay naman, hindi ako maitim pero hindi naman ako maputi, may mahaba at tuwid na itim na buhok, makapal na kilay magandang mata, matangos na ilong at mapupulang labi. isa rin akong matalinong estudyante, magaling rin akong kumanta, actually may banda nga ako eh, syempre ako ang vocalist, mayaman ako, pero wag na natin pag usapan yan, iba nalang medyo private kasi eh, lovelife? wala eh! zero parin! meron kasi akong crush, pero parang di naman nya ako gusto ewan ko nga eh kung bulag ba yun o hindi parin makamove on sa ex girlfriend nya na mukhang barbie. yeah yeah! mas maganda yun at di hamak na mas sexy at mas sikat pero mas may utak naman ako dun no! . ano paba ang hahanapin nya sa akin? maganda, sexy naman, maganda ang kutis ko, dean lister pa ako tapos singer pa ako, kung gusto nya kahit di ako maruong sumayaw sasali ako ng dance troop.
tama na nga! umpisahan na natin tong istorya ko.................................
nandito ako sa library ngayon, gumagawa ng assignment sa major ko,
ayoko na!
ayoko na!
ayoko na!
ano ba yan, tiniis ko na ngang di makasama mga friends ko para dito pero waaaah! wala din palang kwenta! huhuhuhu
sinabunutan ko yung buhok ko tapos medyo inuuntog untog ko sa lamesa yung ulo ko
"Miss? are you okay?"
mas lalung nag init ang ulo ko ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon
"okay? ako? tanga kaba? nakita mong di ko magagawa tong assignment ko tapos tatanung mo kung okay lang ako?" syempre sa mahinang paraan ko lang sinabi sa kanya hindi naman kasi pwede magingay sa library diba?
"ang sungit mo naman miss, tinatanung ko lang naman kung okay ka kasi para ka kayang tanga kanina!" aba! talaga tong zach na itoy ginagalit na ako ng sobra ha! well again kung itatanung nyo kung sino si zach sya lang naman ang playboy dito sa university namin, feeling gwapo! eewwww!!!
"Wala kang pake! dun ka na nga!" nakakainis dadagdag pa tong playboy na to sa sakit ng ulo ko psh
"Nandito ka lang pala zach eh! ano? nakita mo ba yung book na pinapahanap ko sayo?" sa isang iglap parang nagbago ang lahat, parang nagslow motion ang paglakad nya habang nakatitig ako sa kanya
nakatitig lang ako sa gwapo nyang mukha, sa mala adonis nyang katawan, at sa.. sa..
"Mukha kang tanga sa ginagawa mo miss!" bulong saken ni zach pangiti ngiti pa
tinignan ko si zach ng masama, panira talaga to ng moment nakakainis!
"LQ?' tanung ni jacob samen ng makalapit sya, ang gwapo lang talaga nitong lalaking to! my gosh lord, pls naman let him notice me!
"medyo lang dude!" ang kapal lang din ng playboy natong sabihin sa future boyfriend ko na lq kami!
"Totoo?" si jacob na nakangiti habang nakatingin samen ni zach
"NO!" yuck naman di ko pinangarap magkaboyfriend ng playboy no, tsaka ano ba jacob ikaw kaya ang magiging boyfriend ko.
tumawa ng kaunti si jacob, ano ba yan kahit sa pag tawa nya ang gwapo parin nya. hihi
"You two!' napalingon kaming tatlo sa nagsalita "Lets go!" Si jeiden ang leader nila,
Sa kanilang lima si jeiden ang pinaka tinitilian ng mga babae, oo gwapo sya mayaman, pero suplado sabi nila woman hater daw sya kasi wala syang pinapansing babae, wala nga din kaming nababalitaan na nagka gf sya.