Angel pov
Di ko alam kung ano ang nakain ng zach na to kung bakit dikit ng dikit saken kahapon pa. Buti naman sana kung si jacob to o kaya kung kasama man lang nya sana si jacob diba? -_-
kanina ko pa nga sinusungitan para lumayas na at di na ako guluhin pero parang wala syang naririnig,
kanina parin ako nakakaramdam na ako ang pinaguusapan ng mga babae dito sa luob ng library, siguro iniisip nila na girlfriend ako ng lokong to, ewwww!!!!
"A-ah miss sungit?" nandito kaming dalawa sa library, kung tatanung nyo kung bakit ako nasa library palagi eh kasi dito lang ang lugar kung saan pwede akong matulog kung pagod na ako mag gawa ng mga assignment at sa pagsosolve ng problems sa major ko, mag katapat kami ni zach kung saan may hawak din naman libro ngunit di naman nya ginagamit. Muli akong tumingin kay zach dala ang masama kong tingin sa kanya,
"Waaah! Miss sungit naman wag ka ngang tumingin ng ganyan" umiwas sya bigla ng tingin, napatawa naman ako sa sinabi ni zach, akalain mong natatakot sa akin tong hambog na to?
"Bakit kaba kasi nandito? Istorbo ka lang dito eh!" Nagpout sya bigla, ang cute nyaaaaa, parang bata, did i jsut say na cute sya? no! binabawi ko yun! he is not cute! iw!
"Hinihintay ko lang naman si jacob eh" tapos lumingon lingon sya, bigla akong napangiti ng sabihin nya yun, ibig sabihin nun eh magkikita ulit kami ni jacob ngayon. seriously what wrong with jacob? hindi man lang nya ako napapansin! well sabagay sa limang yun naman itong si zach lang ang nakapansin sa beauty ko. that hurts! -__-
"Uyyy si miss sungit may crush kay jacoooob" feel ko naman namula ang buong mukha ko sa sinabi ni zach, di ko nalang pinansin ang sinabi nya at bumalik nalang sa pagbabasa.nagsisimula nanaman tong zach na to mambully
"Oh ayan na pala si jacob eh!" napatingin ako bigla at sinundan ko kung saan sya nakatingin, gusto kong sabunutan si zach ngayon kasi hindi naman si jacob ang papalapit samen, si jeiden, si jeiden na gwapo! At very intimidating ang personality. the most handsome, rich and popular in the school.
at syempre nagsimula nanaman ang pagpapantasya ng mga babaeng haliparot, hehe paano kung titigan si jeiden akala mo wala nang bukas, nakakairita lang. sabagay di ko sila masisisisi tignan mo naman kasi perfect body, makinis ang balat, gwapo, matangkad cool what can you ask for?
"Why are you staring at me?" Nanlamig ako sa sinabi ni jeiden, nakakahiya di ko naman sya tinititigan eh, tinignan ko lang sya. ok fine tinitigan ko na sya pero saglit lang yun, ito namang lalaking to ambilis makahuli.
"I-im not staring at you mister! Excuse me!" Tinapatan ko ang tapang nya, akala mo ha! bumalik ako sa pagbabasa ayaw ko syang tignan feel ko kasi matutunaw ako sa kahihiyan,
"Jeid, wait lang ha? Hanapin ko lang si jacob" oh my god zach wag kana umalis pls. Im gonna die here.
"Zach?" Lumingon naman si zach saken at ngumiti, ang gwapo mo naman zach. okay this time i'll admit it na. oo na gwapo na si zach
"Babalik ako sungit." Tapos naglakad na syaaa. Waaaaaah dont leave me here.
Naramdaman kong umupo sya sa tabi ko, di ako makahinga sa sobrang kaba, bakit ako nagkakaganito? Dinagdagan pa ng mga matang nakatingin samen, im dead.
"Your hands are shaking" muntik nang malaglag ang puso ko sa pagkagulat.
"Huh? " ha? Ano daw,? May sinasabi ba sya,? Teka, bakit kasiii ehhh!!! Waaaaah!!!! Nalilito na ako, sinabunutan ko ang sarili ko na pasimple, umalis kana pls alis na. T___T