Zach pov
Hoooow i looooove sabadoooo. Haaaay sana sabado nalang palagi, pag sabado ko lang kasi nagagawa lahat ng gusto kong gawin eh, kagaya ng pag punta ng bar, pag dedate ng maraming chicks, o di kaya mag sunbathing ngayon dito sa pool ng bahay namin katulad ng ginagawa ko ngayon, hehe
Siguro kung may makakakita lang saken ngayon na chick siguradong maglalaway sa sobrang hot ko. Boxer lang suot ko with 8 packs abs! How god loves me. Bihira lang kaya ang may gantong katawan sa mundo no!
"Sir! Sir excuse me! Nandyan po sina sir trevor sa labas, hinahanap po kayo."
"What?" Napabalikwas ako sa pagkakahiga, ano namang ginagawa nila dito,? Tumayo ako at mabilis na naglakad papunta sa kanila,
"Dude! Ano naman tong pakulo mo? Hindi naba kami welcome dito ha?" nadatnan kong nakasimangot ang dalawang gunggong.
"Wag ka ngang magreklamo! Di mo naman to bahay eh! Tsaka ano ba yang mga hawak nyo? " ang dami kasi nilang hawak na mga plastic,
"Mga lulutuin natin para sa pool party." Walang ano ano na sabi ni jacob.
Nang tuluyan ng makapasok ang dalawa Si trevor dumeretso na sa kusina, si jacob naman dumeretso sa pool
Ako naman sinundan si jacob, at ano yung sinasabi nilang pool party? Puta. Di man lang ako na inform. Bahay ko to pero di ko alam na magkakaroon ng ganun party. Tss
"Teka nga! Ano? Anong pool party? Tatlo lang tayo, tapos pool party?" Napakamot ako sa ulo,
"pwede tumahimik ka muna? Darating si jeiden at geovanni mamaya." Naghubad na ng damit si jacob at tumalon na sa pool. buti nalang lamang ako sa ganda ng katawan sa mga to.
Iniwan ko si trevor sa pool at pinuntahan si trevor sa kusina, nakita ko naman na busy sya sa pagluluto ng kung ano,
"Dude! Dapat naman ininform nyo ko na may party pala ngayon sa bahay ko" tumawa si trevor at tumigin saken
"Ayaaaw mo ba? Pwede ka naman magdala ng babae kung gusto mo eh!" Tinignan nya yung niluluto nya at hinalo halo.
"Tss, hard to get yung babae gusto ko isama dito dude!"
"Sino? Si mindi?"
"Hindi no! Kapal nya. Si angel ang tinutukoy ko." Mabilis napatingin saken si trevor, halata sa mukha nya ang pagkabigla
"You know her?" Her? Si angel ba ang tinutukoy nya?
"Si angel? Oo bakit? Kilala mo din ba sya?" Sumimangot bigla ang mukha nya at iniwas ang tingin nya saken
"Yes. She's annoying"
Angel pov
Tumingin ako sa orasan kung saan nakapatong ito sa lamesa ng kwarto ko,
3:45 pm.
Napabuntong hininga nalang, 15 minutes nalang, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, kinakabahan ako, na naeexcite, na nahihiya. kinakabahan ko kasi si jeiden ang kasama ko mamaya, naeexcite kasi makikita ko si jacob dun nahihiya naman kasi syempre sila ang kasama ko at sigurado akong makikita ko si zach dun,
Oo pupunta kami sa pool party na sinasabi nya, hindi ko talaga alam kung bakit um oo ako sa invitation nya, siguro dahil si jeiden sya at mahirap tumanggi sa kanya, o kaya dahil siguro sa ngiti nya na nagpatigil ng sandali sa tibok ng puso ko.