Kanina pa ako nawewierduhan sa mga tao ngayon sa school paano naman simula pagpasok ko kaninang umaga lahat ng makakasalubong ko iba kung makatingin tapos yung mga iba naman nakangiti, ang weird lang nila, di naman sila ganun dati. alam ko naman popular ako dito sa school kahit papaano pero hindi ako ganun kakilala yung tipong ako ang pinaguusapan, tapos may mga lalaking nag ha-hi saken, nagpapacute pa yung iba, see? diba ang weird? oo nga pala naglalakad ako ngayon kung saan saang parte na nitong school para hanapin yung dalawa kong kaibigan, si clare at jacky, galit ata saken yung dalawa kasi nakalimutan ko na manunuod nga pala kami ng fifty shades of grey nung sabado, hindi ko naman sinasadya na makalimutan yun eh, si jacky hindi ako pinapansin kanina sa room si clare naman hindi ko pa nakikita since magkaiba kami ng course. Wala tuloy akong kasama kumain ngayon ng lunch, haay, napabuntong hininga nalang ako,
"Bakit parang malungkot ata si miss popular?" nakita ko si jacob na nakangiti habang papalapit saken. ang gwapo nya talaga lalu na pag ngumingiti sya, sayang lang kasi sila na ata ulit ni ivonne, kakainis lang akala ko may chance na ang feelings ko para sa kanya pero wala. back to zero nanaman!!!!!
"Miss popular ka dyan! hinahanap ko kasi yung dalawang kaibigan ko, kung bakit ko pa kasi nakalimutan na manunuod pala kami ng fifty shades eh."
"Tama lang yun, wag mo panuorin ang fifty shades of grey wala ka pa sa tamang edad, tsaka bakit mo pala sila hinahanap Wala kabang kasamang maglunch?" ngumiti lang ako bilang sagot sa tanung nya,
"Gusto mo samahan kita?"
"Okay lang ba?" tumango lang sya at sabay na kaming naglakad papuntang school canteen. magpapakipot paba? syempre hindi na, jacob kaya yan!
Habang kumakain kami hindi ko maiwasan na mapatingin sa kanya, natawa ako bigla ng kaunti, dati rati kasi hinihiling ko lang to, yung kausapin nya ako, yung yayain nya akong kumain, yung ngitian nya ako, yung matitigan ko sya, akala ko dati pangarap ko lang lahat ng yun, pero ngayon ang lapit lapit ko na sa katotohanan, sayang lang talaga at nagkabalikan na sila si ivonne.
"Sobrang gwapo ko na ba para titigan mo ako ng napakatagal?" nakangiti sya, yung ngiti nya ngayon grabe priceless. parang ang saya saya nya na tinititigan ko sya, kung si jeiden siguro to nakakunot nanaman ang nuo tapos sasabihin nya why are you staring at me? tapos titingin ng masama, pero nung sabado kakaibang jeiden talaga yung kasama ko, napapangiti ako pag naaalala ko nanaman yung abs ni jeiden,
nawala ang ngiti ko ng mapansing nakatitig narin si jacob saken, biglang lumakas ang tibok ng puso ko, sa kanya ko lang talaga to nararamdaman, bakit ganun? sobrang inlove ba ako sa kanya? mali. hindi ko na sya pwedeng mahalin , masasaktan lang ako,
"Jacob? pwede magtanung?"
seryoso syang nakatingin saken kaya parang nailang akong tumingin sa kanya, " Sure" yun lang ang sinabi nya at bumalik na ang tingin nya sa kanyang pagkain at nagsimula na ulit kumain.
"Kayo na ba ulit ni ivonne?" napaangat ng tingin si jacob at seryoso paring nakatingin saken, ako naman iniwasan ko ang tingin sa kanya at tumingin sa ibang direksyon, tama ba na tinanung ko yun?
"Nagseselos ka ba?" hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanung ni jacob saken, nakangiti na sya kaya medyo hindi na ako naawkwardan sa sitwasyon namin ngayon, pinilit ko nalang ngumiti sa kanya.
"Hindi, naitanung ko lang, pinaguusapan kasi ng mga estudyante kanina kaya nacurious lang ako wag mo nalang intindihin yun tanung ko "