Chapter 17:Ha?? honeymoon??

105 4 1
                                    


Chapter seventeen

Keina POV*

Naka ngiti akong nagpapasalamat sa mga bisitang panay ang congrats saakin. Pagod na ako pero dahil sanay ako sa mga pagurang trabaho dahil sa pag momodelo ay nanatili ang ngiti ko.

Nasa reception kami ngayun, katabi ko si myloves na halata sa muka ang pagod, Pilit ang mga ngiti at panay nalang ang tango sa mga bumabati.

Kanina pa kasi halos nandito, gabi na din at tingin mag 11:00 na. Nagsubuan na kami ng cake. Hindi ko nga alam na may ganon pa. Napahiya pa ako kanina dahil sinubo ko sa sarili ko yung cake.

Napagalitan ako ni my loves kasi napahiya daw siya. malay ko bang subuan ng cake yun akala ko kakain lang kami. Pero sa pag inom naman ay pina inom ko na siya kaya lang eh halos napahiya den ako dahil alak pala yun.

Ang pait pait ng lasa kaya naman panay ang ubo ko.

Ngumiti ako uli ng makitang papalapit si Hana.

"It's tiring isn't it?"Tanong nito."But it's worth it cause this is the most important day of your life!"Kumindat pa ito sakin.Ngumiti nalang ako at tumango. napaka sexy talaga ng babaeng ito. May hawak itong wine sa kanan kamay niya at ngiting ngiti nasa harap namin.

"oh siya puntahan ko lang ang darling ko."Tumango naman ako, kumaway pa ito bago tumalikod. Nakita kong pinuntahan niya si Cole na nakikipag kwentuhan sa tropa ni kairo kasama sila Jane at Zera.

Tapos eto ako naka upo lang dito bored na bored. Pano kasi hindi manlang nagsasalita si Kairo. Huminga ako ng malalim at bahagyang nahiga sa balikat ni Kairo.

Naramdaman kong napalingon pa siya.

"Are you tired?"Tumango ako kay Kairo ng itanong niya yun."let's go home then!"Tumingin ako sa kanya at kunot noong ngumuso.

"paano sila?!"tanong ko sa mga bisita."chaka wala pa sila mama sa bahay, wala pang tao don!"bulong ko. 

"Who told you i'll send you to your parents house?"

"Ha?"Gulat na tanong ko

"We're now married, so you'll live with me!"napa 'ahh' nalang ako at bahagyang pumingit. inaantok na ako eh. 11:00 na.

"Oh anak, is keina okay?"Napa mulat ako at agad napa ayos ng upo ng makita si tito sa harap ng mesa namin ni Kairo. Ngumiti ako at kumaway.

"Hello po tito!"Masayang bati ko, Natawa naman ito at kumaway pabalik. Ginaya pa nito ang kaway ko kaya natawa ako kasi di niya alam paano.

"daddy nalang itawag mo sakin"Naka ngiting kumbinsi nito sakin at tinignan si Kairo."I uwi mo na kaya si Keina anak? mukang pagod na!"

"Po paano po mga bisita?"singit ko.

"Kami na nang mom and tita mo ang bahala sa kanila. sige na at maaga pa rin kayo bukas!"Nagtataka ako tumingin. Maaga? Oh! may pasok na nga pala!

"Oo nga pala pasukan na!"naka ngusong bulong ko. naramdaman ko pang napa tingin sakin si Kairo pero agad din humarap kay tito.

"Sige dad, una na kami ah?"Tumango si Tito

"ako na mag sasabi sa parents mo Keina, ingat kayo ah?"Nagpasalamat naman ako kay tito bago tumayo. Hinawakan naman ako ni Kairo sa kamay at pareho kami naglakad na palabas ng venue.

Malaki kasi ang venue na ito, sa five star hotel ito ginanap na pag aari den nila Kairo. Bawat madadaanan namin na bisita ay niyuyukuan ko at nagpapaalam nako aalis. Panay naman ang congratulate sakin at nag papaaalam na din.

My nerdy childish wifeWhere stories live. Discover now