Chapter11:The jewelry store

131 6 0
                                    


Keina's Pov*

"Keina wake up!"

"hmm??"Ungot ko ng makarinig ng mahinang boses ng lalaki. san galing yun? Bakit ang dilim dito?

"gising!!"Gising daw?? tulog ba ako? kaya madalim? Nagulat ako ng biglang umunat yung mata ko dahilan para biglang may liwanag na nasilayan ang magaganda kong mata.

"Aww!"sambit ko at kinusot iyon. Kinunutan ko ng noo ang kung sino man pilit iminulat yung mata ko, pero napaltan ng gulat ang inis ko ng bumungad sa harap ko ang muka ni Kairo. As in Ang muka niya. sobrang lapit. Naka kunot ang noo nito at salubong ang makapal niyang kilay , bahagyang naka pungay ang mga mata at inis na naka titig sakin. 

"Finally, you're awake."Tumayo na siya ng ayos mula sa labas sa gilid ng sasakyan...Teka... sasakyan!???!!!

"Ouch!"Sigaw ko ng bigla akong mauntog dahil sa biglaan kong pagtayo.

"What the..."Gulat siyang napa lingon sakin. Nginusuan ko nmn siya habang hinihimas ang ulo kong nauntog."Tsk napaka clumsy!"Nanatili ang naka kunot niyang noo at ang magkasalubong niyang kilay.

"Nasaan tayo?"Lumingon lingon ako pero tanging nakikita ko lamang ay nagtataasang mga puno.. "Kairo?..Bakit tayo nandito?"Kinakabahang tanong ko. dahil para itong gubat. as in ang kotse namin ay nasa kalagitnaan ng nagtatasang mga puno at ang aapakan mo ay puro tuyong dahon.

Hindi ito sumagot at lalo ako kinabahan ng ngumisi ito. Bahagya pa akong napa atras ng dumungaw nanamn ito sa harap at itinuon ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko. In short na corner ako!!

"A..ano ginagawa mo?"kinakabahang tanong ko. nanatili itong naka ngisi at hindi manlang sumasagot.. Omg hindi kaya kinidnapped niya ako tapos ililigaw niya ako para di na tuloy ang kasal??

No way!! Mangiyak ngiyak ko siyang tinignan!!"Kairo naman! bakit ba kasi tayo nandito?"Paiyak ng tanong ko uli...

"Bakit nga ba?"Naka ngisi parin niyang tanong. Panay naman ang atras ko pa higa dahil sa panay na lapit niya...

Ano ba kasi ginagawa namin dito? Hindi nga kaya ililigaw niya ako? Or baka iiwan niya ako dito! Bakit ba siya lapit ng lapit? Nanginginig ang kamay kong naka tuon sa upuan na hinihigaan ko, sa sa gilid ko ay ang manibela ng sasakyan. Iniwas ko ang paningin ko sa kanya at pilit pinakalma ang kabang nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung itutulak ko siya, Pero kinakabahan ako ng sobra dahil sa pag ngisi at paglapit na ginagawa niya dagdag mo pang hindi siya nag sasalita.Ang kabog ng dibdib ko ay nagdadala ng sakit sa lalamunan ko sa di ko alam na dahilan.

Naramdaman ko lalo siya lumapit kaya naman Inis ko na siyang hinarap. Nakita ko pang natigilan ang muka niya at nawala ang ngisi sa muka niya. Tila di siya nakagalaw. Hindi ko alam bakit siya na stunned pero kinuha kong apportunity yon para itulak siya.

"L..lumayo ka nga!!"Sigaw ko at Bahagya ko siya itinulak gamit ang isa kong kamay... Kita ko parin ang gulat sa muka niya.. Nang makabawi ito ay narinig ko siyang Bumuntong hininga at may kinuha sa gilid ko bago daretso muling tumayo sa labas ng kotse..

susi, ang kinuha niyang yun.

"W..."

*huk*

O.O Nagulat ako ng bigla akong sinukin.Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko, doon ko lang narealize na umiiyak ako. Wow ang babaw ko ah.

 kinapa ko ang pisngi ko at doon ko lang naramdaman ang luha kong ayaw tumigil sa pag patak. Badtrip naman oh! Mabilis ko yun pinunasan at tumingin ng daretso kay Kairo na ngayun ay daretso naka titig sakin habang panay ang buntong hininga.

My nerdy childish wifeWhere stories live. Discover now