Chapter 11
Hire me
Heart's POV
I've been cleaning my apartment the whole day feeling frustrated and wary. How could I miss the chance?
Nakakaasar ka na talaga self. Bakit kailangan mo pang matulala sa harap niya at hindi makapagsalita?
Diniinan ko ang pagkuskos ng pinggan habang nanggagalaiti sa galit, "Ahhhhhhhhh, 'yan ang bagay sa'yo! Argh!" kumalampag ang plato ng bumagsak sa lababo. Sa kakawang pinggan ko nilabas ang lahat ng nararamdaman.
Binanlawan ko ang aking mga kamay at wala sa sariling sinabunutan ang sarili. napabuntong hininga na lang ako.
"Hay. Nababaliw na yata ako." Bulong ko sa aking sarili at naglakad papunta sa sala at binuksan ang tv.
Seryuso akong nanunuod ng tv ng biglang nag-shift ang scene na ang bida ay nalamang niloloko pala siya ng tinuturing niyang matalik na kaibigan.
"What the fuck? Langya naman eh! Ako yata pinariringgan nito ah?! Ahhhhh!" mabilis kong pinatay ang tv nang magsimulang umiyak ang bida.
Padabog kong tinapon ang hawak na remote sa kabilang sofa at napakrus ng braso.
"Ano bang pwede kong gawin? Nakaka-bored na dito ahhhh! Mababaliw na yata ako sa kakaisip ng kung ano-ano." Binagsak ko ang katawan sa sofa at tinitigan ang kisame.
"Ako ay isang magandang butiki sa iyong kisame..." bigla kong kanta ng makakita ng butiki. Napailing-iling ako.
Ibang level na yata 'tong pagka-bored ko. Nakakatakot na. Hoooo!
Tinampal ko ang aking sarili ng ma-realize ang kabawaliwan ko. Walang gana akong tumayo ng biglang tumunog ang phone ko na nakapatong sa center table.
"Sino kaya to." I pick the phone lazily and with sleepy eyes.
Nanlaki bigla ang mga mata ko ng makita kung sino naka-register ang number.
"RD naman. Hindi mo ba ako lulubayan? I need space and time to heal. 'Wag mo naman ako madaliin." Nakanguso kong saad habang nakatingin sa screen ng phone ko.
Napabuga ako ng hangin, "Bahala ka sa buhay mo!" in-off ko ang phone ko at tinago iyon sa aking bulsa.
"I need to make this day productive!" masaya kong sigaw para i-divert ang atensyon ko.
"Hmmm... I should go out baka magkita kami ulit ni Rav. This time hindi na talaga ako tatanga-tanga. Tama! Dapat makabawi ako at makakita ng paraan para mapansin ni Rav."
Masaya akong lumabas ng apartment at sumakay sa aking motor. Una kong pinuntahan ay ang café kung saan ko siya nakita na kasama si RD. Nag-order ako at naupo sa dulo ng higit kumulang isang oras pero hindi ko nakita si Rav.
"Break time na ah? Busy siguro siya." malungkot kong saad at lumabas sa café. Nang makadaan ako sa mga nagtitinda ng fishball ay huminto ako at bumili. Pagkatapos kumain ay dumeritso ako sa parking lot ng building ng mga Del Rio para hintayin siyang lumabas.
I attentively wait for him while humming and leaning on my bike, but hours pass still no Ravine Del Rio came out.
"Nak ng! nakaka-depress na 'to ah!" I drove off to the beach to get some fresh air and praying that I will see him there.
Habang nakaupo sa buhagin at kumakain ng ice-cream ay binuksan ko ang aking cellphone para kumuha ng litrato. Pagkabukas ko ay ang mga missed calls at texts ni RD ang bumungad sa akin.
Muli na naman ako napabuntong hininga, "Nakaka-depress." Saad ko habang nagso-scroll ng mga texts niya.
Habang nagso-scroll ay nakuha ang atensyon ko ng isang text niya na iba sa mga tini-text niya sa akin nitong nakalipas na paulit-ulit lang.
YOU ARE READING
Book 2: Faded Identity (COMPLETED)
Roman d'amourRavine Del Rio wakes up after a year learning that he lost his memories in an accident. He tried remembering anything but couldn't. The only thing that flashes in his mind is a sobbing of a woman and its faceless figure in his memory. He tried to re...