Simula

68 5 0
                                    

Kasalukuyang palabas ng Subdivision si Laena upang tumungo sa Santolan Station. Ngayon ang unang araw ng kanyang pasukan bilang grade 12 student. Excited na siyang  makitang muli ang mga kaibigan niya pati na rin ang mga magiging mga kaklase niya ngayong taon.

Palabas na siya ng Subdivision nila ng mapansin niyang hindi niya pala suot ang kanyang I.D, kaya naman dali-dali siyang bumalik sa kanyang bahay. Kapag wala kasi siyang I.D siguradong hindi siya papasukin ng kanilang guard sa eskuwelahan.

Naalala niya pa noong unang beses na hindi siya na kapag suot ng kanyang I.D, grade 11 siya noon at unang araw din ng pasukan niya bilang grade 11 student.  Papasok na sana siya noon ng  pigilan siya nang guard at tinanong siya nito kung bakit wala siyang I.D na suot-suot nang kanyang maalala na ibinigay na pala ang mga I.D para sa mga students. 

Dati noong highschool pa lamang siya tuwing first day of classes kasi ang bigayan ng I.D nila, akala niya kasi ay highschool pa rin siya. Well, highschool pa rin naman siya pero iba na ang kalakaran kapag Senior highschool ka na NO I.D, NO ENTRY kaya kawawa ka kapag nahuli ka ng guard.

At ngayong grade 12 na siya, ayaw niyang mangyaring muli iyon. Pumasok siya sa loob ng kanilang bahay at nagulat ang kanyang magulang dahil bumalik ang kanilang anak.

"Oh, Anak bakit ka bumalik? Mayroong ka bang nakalimutan?" Tanong ng kanyang ina.

"Malamang nakalimutan na naman niya ang kanyang I.D, akala niya siguro highschool pa rin siya." Sabi ng kanyang papa, sabay hagikgik pa nito.

Napangiwi si Laena sa sinabi ng kanya Tatay at dali-daling umakyat sa ikalawang palapag ng kanilang bahay at nagtungo sa loob ng kanyang kwarto upang kunin ang kanyang I.D.
Nang makuha niya na ang kanyang I.D ay agad niya itong isinukbit sa kanyang leeg at dali-daling lumabas ng kanyang kwarto. Bumaba siya sa kanilang salas at nagpaalam muli sa kanyang magulang.

"Ma... Pa... Alis na ho ako." Paalam niya sa kanyang magulang.

"Oh, wala ka na bang nakalimutan?" tanong ng kanyang ina.

"Wala na po?" patanong niyang sagot sa kanyang ina

"Hindi ka sure? bakit patanong ang tono ng iyong boses?" Natatawang sagot ng kanyang ama.

"Wala na po, sure na 'yon." Sagot ni Laena.

"O siya.. sige umalis ka na at baka mahuli ka pa sa klase mo." Sabi ng kanyang ina.

"Opo!" Sagot ni Laena at akmang lalabas na ng kanilang bahay.

"Laena! Sure ka na bang wala kang nakalimutan at baka mamaya bumalik ka na naman dahil may nakalimutan ka. Kaya ngayon pa lang alalahanin mo na ng mabuti kung mayroon ka pang kukunin para naman hindi ka na pabalik balik. Diyos ko, kay bata mo pa lang ay uluyanin ka na." Sermon ng kanyang ama.

"Wala na nga po, sige na po, aalis na po ako." Sagot Laena sa kanyang ama.

"Sige, ingat ka anak." Pahabol na sigaw ng kanyang ina bago siya tuluyang makalabas ng  kanilang bahay.

Tumakbo si Laena papalabas ng Subdivision nila at tinignan niya ang kanyang relo. Mayroon na lamang siyang isang oras bago ang kanyang klase, kaya naman kahit pa siya'y nakapalda ay binagtas niya ang bangketa sa gilid Marcos Hi-Way patungong Santolan Station.

Mabuti na lamang at malapit lang ang kanyang bahay sa istasyon ng Santolan dahil kung hindi tiyak siya'y mahuhuli para sa eskuwela. Nasa loob na siya ng istasyon at kasalukuyang nasa harap ng turnstile, tinignan niya ang kanyang I.D pero wala doon ang kanyang beep card.

Mukha atang hindi niya na dala ang kanyang beep card kaya naman kinapa niya ang kanyang bulsa upang kunin ang kanyang wallet upang bumili ng ticket for single journey. Pero wala din ang kanyang wallet sa loob ng kanyang bulsa, napangiwi siya dahil sa inis mukha atang babalik siya ulit sa kanyang bahay para lamang kunin ang kanyang wallet. 

Our Love Blooms At Santolan StationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon