03

15 2 0
                                    

LAENA

Nakatingin ako sa binatang nagsalita, hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko, kung magiging masaya ba ako o kakabahan sa presensya niya. Bakit siya pa? Bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo siya pa ang makikita kong muli. Pinaglaruan ba kami ng tadhana upang kami'y pag tagpuin muli?

"Girls, saan tayo u-upo?" Tanong ni Paula na ngayon ay kakadating lang at mukhang hindi niya pa yata napapansin ang dalawang binata sa lamesa.

"Dito" Sagot ni Kathleen kaya naman na patingin si Paula sa lamesang tinutukoy niya. Nagulat siya ng makita ang binata na alam kong kilala niya rin.

"Hindi ba kayo mauupo?" Tanong ng binata sa amin na si Drei Baltazar.

Inilapag ni Paula ang tray namin na naglalaman ng order namin at tsaka siya umupo. At sumunod naman na umupo si Kathleen, samantalang ako, ayun, na iwang naka tulala pa rin sa kanya.

Nakatingin silang lahat sa akin, hinihintay nila kung mauupo ba ako o hindi pero sa huli ay naupo na rin ako. Tahimik ang lamesa, nag papakiramdaman kung sino unang mag sasalita. Sobrang awkward ng sitwasyon namin kaya naman naisip kong magbukas ng topic, pero na unang nag salita ang binatang katabi ni Drei.

"Hi, I'm Mico Velasquez, Mico na lang" Makilala ng binata at ngumiti sa aming mag kakaibigan.... o sabihin ko sa akin lang siya nakatingin. Ay nako! Ang assumera ko talaga baka hindi siya nakatingin sa akin, maari namang si Kath ang tinitignan niya.

Ilalahad ko na sana ang kamay ko ng biglang inabot ni Kathleen ang kamay ni Mico. At siya'y nagpakilala sa binatang na sa harap ko.

"Hi I'm Kathleen Palaez, Kath na lang o pwede namang Baby" Malanding tugon ni Kath.

"Asaan ang Baby sa panglan mo?" Tanong ni Mico sa kanya na ikinabura ng mga ngiti sa mga labi niya, kami naman ni Paula ay nag pipigil na hindi tumawa ngunit mayroon tumakas na konting tawa sa labi namin ni Paula. Tinignan kami ng masama ni Kath at tinignan ang binatang na sa harap niya at inirapan ito.

Nabigla ang binata sa ginawa ni Kathleen at napasinghap sa hangin. Akmang magsasalita na sana si Mico ng biglang magpakilala si Paula kay Mico, upang walang sumiklab na away sa paitan ng dalawa. Sumunod naman akong nagpakilala matapos na magpakilala ni Paula sa kabilang banda naman tahimik na kumakain si Kathleen ng kanyang pagkain.

Sumunod naman nagpakilala si Drei agad namamang tumayo si Kathleen at nagmakilala pero hindi na siya bumanat. Nang matapos na magpakilala tinignan niya ng masama si Mico pero sinawalang bahala niya lang iyon.

Nang ako na ang susunood na magpakilala ay agad siyang nag salita at sinabing huwag na akong magpakilala dahil alam niya na ang pangalan ko at sigurado siyang alam ko na rin ang pangalan niya.

Tinignan siya ni Mico at nagtanong kung paano kami nagkakilala ni Drei. Pero hindi siya sinagot ni Drei at sa halip ay tahimik na pinagpatuloy ay kanyang kinakain.

Natapos kaming kumain lahat ng hindi nagpapansinan. Tumayo kaming magkakaibigan upang mauna na, si paula na ang nag paalam sa amin na babalik na kami ng eskuwelahan. Paalis na sana kami sa loob ng fast food chain ng biglang magcrave si Kath ng milktea.

Nakita niya si Mico na nag order ng milktea at pabalik na rin ng table nila Drei. Hinablot ni Kath ang milktea ni Mico at uminom doon. Napaawang ang labi ng binata sa ginawa ng kaibigan ko. Ibinalik 'yon ni Kath kay mico.

"Salamat" sabi ni Kath at dali-dali kaming hinila palabas ng fast food chain.

"Ang sarap nung milktea dapat pala itinakas ko na lang. Psh! Kainis talaga 'yung ginawa niya sa akin kanina." Inis na sabi ni Kath sa amin ni Paula.

"Alam mo kung bakit kanya ginanoon kasi hindi ka niya type. Si Laena kasi type noon, halata naman e" Sagot ni Paula kay Kath na ikinatigil niya sa pag lalakad.

Tinignan niya ako ng masama na para bang inagawan ko siya ng paborito niyang laruan.

"Ano ba yan! Bakit bet niya si Laena e kay Drei na yan e! Tsk! Alam mo ang bait makipag usap nung Mico na 'yon sa akin noong tinanong ko kung pwede ba maupo sa kanila tapos nung dumating si Laena naging iba pakikitungo niya sa akin. Hanep! kaya naman pala ganon niya ako barahin kanina mas bet niya 'tong si Laena. Puwes ano akala niya papakawalan ko siya ng ganon ganon." Inis na sabi ni Kathleen sa amin.

Halata namang may pagtingin na agad itong si Kathleen kay Mico. At halatang gagawin niya ang lahat para sa kanya mapunta ang atensiyon ng Mico na 'yon. Well, hindi ko naman tipo si Mico ang landi ng dating niya sa akin.

Nang makabalik kami sa loob ng eskuwelahan ay napadaan kami sa faculty. Biglang nagbukas ang pintuan ng faculty at iniluwal nito ang isang matipunong lalaki.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ni Sir.Khalil

"Yes po, Sir. Kayo po nakakain na po ba kayo?" Tanong ni Kathleen.

"Ah hindi pa nga e, sige mga iha mauna na ako sa inyo kayo rin mauna na kayo at baka may klase pa kayo." Tanong ni Sir Khalil sa amin.

Ngumiting tumango si Kathleen sa guro. Nagpaalam si Sir. Khalil sa amin at tinignan ang tahimik naming kaibigan na si Paula. Lumapit si Sir. Khalil kay Paula tanungin ito.

"Iha, Masama ba ang pakiramdam mo? Bakit parang namumutla ka?" Tanong ni Sir. Khalil sabay salat ng noo ng dalaga. Umiling ang aming guro ng hindi naman ito mainit.

"Ayos ka lang ba, iha?" Tanong muli ni Sir. Khalil, ngunit hindi siya sinagot ni Paula kaya naman nagsalita na kami ni Kathleen.

"Sir. Ayos lang 'yan may problem lang sa love life. Alam mo na Sir. ganon talaga pag broken hearted. Sige na Sir. Khalil kain na kayo baka malipasan kayo nagutom." Pag iba ng topic.

Tinignan ni Sir. Khalil si Paula ng may pagaalala kahit hindi nakakatiyak ang guro namin kung iiwan ba ang kaibigan namin pero sa huli ay umalis na rin siya.

Tinignan ko si Paula kung humihinga pa ba siya dahil sa presensya ng aming guro. Bumuga si Paula na kanina pa nagpipigil huminga.

"Girl! Mukha kang tanga!" Sabi ni Kath kay Paula.

"Jusko! Noong lumapit siya sa akin kanina parang tumigil ako sa paghinga. Grabe! presence ni Sir. Hindi ko keri! Baka mamaya mamatay na ako kakapigil na huminga." Sabi ni Paula sabay papay sa sarili gamit ang kamay.

"Ang init! Woahh!" Pagrereklamo niyang sabi sa amin.

Napailing na lamang kami sa inasal ng kaibigan namin si Paula. Mukha kasi siyang tanga kanina. Hay nako! Buti hindi ako katulad ni Paula, ang hina niya pag dating sa mga crush niya.

Our Love Blooms At Santolan StationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon