He robbed my heart♥️
Chapter 1
Maagang gumising si megan para tulungan ang kanyang ama’t ina sa pagsasaka.anim silang magkakapatid na apat na lalaki at sya pangatlo sa magkakapated sixteen years old palang siya pero siya ang laging tumutulong sa magulang sa kanilang hanapbuhay.
“megan isuot mo to at sobrang init ngayon para hindi masunog ang balat mo” sabi ng kanyang ama at iniabot ang isang manipis na longsleeve na damit.
“Salamat tay, halika na magalmusal muna tayo nakahain na po ang agahan” sumunod na sa kanya ang ama’t ina sa hapagkainan.
“Anak malapit na ang graduation ninyo diba?” tanong ng kanyang ina habang nasandok ng kanin sa palayok.
“Opo inay dalawang lingo na lang, paano po yun nay hindi pa po ako nakakapagenrol para sa kolehiyo?” malungkot na sagot niya sa magulang.
Matalino sana si megan pero sa hirap ng buhay, nakikisaka lang sila sa mga Alban. Ang angkan ng Alban ang pinakamayaman sa Sitio Mauban. Humahabol siya sa top 3 sa klase, pangarap niya sana ang maging Accountant pero parang hindi yata matutupad dahil sa kakulangan ng pantustos.
Ang nakakatandang kapatid na si kean at magna ang ate Nia na hindirin nakapg kolehiyo at si Diego ay hindi padin NakapaG Tap0s ng elementary Pati narin si Kevin na pang Lima sa knilang magkaka pasted at ang bunso na si yuseft... ngunit nakatungtong ng kolehiyo ang Kuya niang si kean at ang ate niang si magna kumuha sila ng bokasyonal sa katabing bayan dahil ito lang ang mura at madaling pag-aaral.
“Wag ka magalalala anak gagawan natin ng paraan, sayang naman ang talino mo kasi kung dito ka lang sa bukid kasama namin ng iyong ina” mahinang tugon ng kanyang ama.
“Salamat tay, gusto ko po talaga makapagtapos para naman maiahon ko kayo sa kahirapan. Ayaw ko po makita kayo na tumanda na nagsasaka pa din” nakatungo siya at patuloy lang sa pagkain, ayaw niya kasi makita ang kalungkutan sa mukha ng magulang tuwing pinaguusapan ang tungkol dito.
Masakit sa magulang na hindi natin maibigay ang ikabubuti ng ating anak lalong lalo na pagdating sa edukasyon. Kahit mahirap sila megan hinding hindi niya ito ikinahihiya sa mga kaibigan at kaklase.
Natapos na sila kumain at nakapaglipit na siya ng pinagkainan, pag ganitong sabado maaga din kasi umaalis ang dalawa niyang ate para sa part time job nila na tindera sa palengke sa bayan.
“Anak sakay na” tinulungan siya ng ama na makasakay sa kalabaw nila, papunta na silang bukid.
Pagdating sa bukid ay agad sila nagsimula sa gawain para makadami sa buong araw. Kahit pagod na pagod ay masaya siyang kasama ang mga magulang.
“megaaannn” napatigil siya sa ginagawa at hinanap kung nasaan ang taong tumawag sa kanya.
“megan, halika muna dito” si Sharmain ang kanyang bestfriend, isa siya sa anak ng mga Alban.
Nagsimula ang pagiging matalik nilang magkaibigan dahil ang nanay niya ay nagtratrabaho sa mansion ng mga Alban at lagi siyang sinasama ng ina noong bata pa siya. Hanggang sa naging close na sila dahil sa nakapagpalagayan na sila ng loob, sila ang palaging magkalaro dahil dalawa lang magkakapatid sila Sharmay at kuya niya.
“Cge anak puntahan mo muna si Sharm kami na bahala dito” untag ng ina niya.
“Bes I miss you sobra” niyakap ni Sharm ang kaibigan, daig pa kasi nila ang magkapatid kulang nalang ampunin na siya ng mga Alban.
“Bes nakakahiya ang baho ko amoy araw na ako” nahihiyang sabi niya, si Sharm naman hindi ininda ang sinabi ng kaibigan. Madaming naiiingit sa pagkakaibigan ng dalawa kasi kahit ano man ang estado ni megan ay tangap ni Sharm.