I Gave My Heart To Him

0 0 0
                                    

Chapter 2

First time niya makarating sa Maynila kaya isang lingo bago ang pasukan ay inilibot siya ng kaibigan sa iba't ibang pasyalan dito at sobrang gulat niya sa mga malalaking mall at sa sobrang daming sasakyan. Ang pinakamalayo kasing narating niya ay yung sentro ng kanilang probinsya ng minsang sumali siya sa isang quizbee.

"Bes kain muna tayo ng lunch saan mo ba gusto kumain? Magkahawak kamay silang naglalakad ngayon sa MOA natatakot kasi ang dalaga na baka mawala daw siya.

"Doon na lang sa sikat na kainan yung Jolibee" mabilis na sagot niya.

Hindi pa rin nawawala ang pagkamangha ng dalaga sa buong lugar, ang nakikita niya lang kasi dati ay mga puno, halaman at mga hayop sa bukid. Kung makapunta man siya sa bayan ay pinakamalaking building doon ay hanggang dalawang palapag lang.

"Bes after naman nito ay mamimili tayo ng mga gamit natin sa school, excited na talaga ako. Sa first day natin." Hindi na sumagot si Cham dahil sobrang busy na siya sa pagkain at talagang ninamnam niya ang bawat kagat sa cheeseburger at fried chicken.

At dumating na ang araw na hinihintay ni Cham, araw na ng unang klase niya sa pagiging kolehiyo. Natupad niya na makuha ang gustong kurso, si Sharm naman ay communication arts ang kinuha.

"Bes ito suotin mo" ibinigay ni Sharm ang isang super fit na maong jeans at shirtwaist na talaga naman ikinalabas ng maliit na bewang niya. Pinartneran pa ng isang wedge shoes.

"Bes ang taas ng sapatos na to baka hindi ako makalakad" asusual pareho na naman ng damit ang magkaibigan magkaiba nga lang ng kulay.

"Masanay ka na bes dapat lagi maganda suot natin sa school, dahil wala naman tayong uniform kasi. Kaya mo yan." Wala ng nagawa ang dalaga kundi ang suotin ang mataas na sapatos. Paika-ika siya maglakad nung una pero nasasanay din after ng ilang hakbang.

Andito na sila sa eskwelahan nila magkahiwalay sila ng building. Si Cham naman ay kinakabahan dahil sa sobrang laki ng lugar ay feeling niya ay maliligaw na siya. Nakarating din siya sa unang klase niya medyo kaunti palang ang mga estudyante napili niya maupo sa may bandang hulihan, kung saan isa na lang ang natirang upuan doon.

"Hi may nakaupo po ba dito?" tanong niya sa nakayukong lalaki, umangat naman ito ng tingin at tinitigan siya na saglit na ikinahiya ng dalaga.

"Wala" maikling sagot ng binata, hindi na niya pinansin ang katabi at nagsimula na lang siyang maglabas ng notebook at ballpen para ready na siya pagdating ng guro.

"Good morning class" napaigtad ang dalaga ng magulat sa pagdating ng guro, kinakabahan siya hindi niya alam paano makisama ang mga taga Maynila.

"I'm Mr. Aladin Magbanua I will be your professor in your Financial Management subject. For our first day my agenda is just to get to know you. Pag tinawag ko kayo pumunta dito sa harap and tell me on what school you came from, business ng family at something interesting about yourself?"

Kumabog ang dibdib ng dalaga pinagpawisan siya ng malagkit, mukhang mapapahiya siya dahil lahat ng kaklase niya ay mga mukhang anak mayaman siya lang yata dito ang dukha.

"Let's start Margaux Morales" hindi mapakali ang dalaga napapakagat pa sa labi niya.

Kahit pinagaral siya ng mga Alban sinubukan niyang kumuhan ng scholarship at hindi naman siya nabigo dahil nakakuha din siya kahit medyo huli na siya ng tatlumpong porsiyentong diskwento sa matrikula niya. Sayang nga lang daw at huli na daw siya nagapply noong nakuha niya kasi ang resulta sa exam ay pwede pa daw siya kahit sa singkwentang porsiyento pero hindi na niya naabutan.

"Hi I'm Margaux you can call me Marj, I came from Holy Angel Academy we have an apparel business that is located in every mall all over the Philippines, i am a part time ramp model too."

I gave my heart to himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon