He robbed my heart♥️
Chapter 7
Kahapon na yata ang pinakamasayang kaarawan ni Brandon, bukod sa kasama niya ang matalik na kaibigan na sila lang dalawa ay nakatulog din siya ng may mga ngiti sa kanyang mga labi. Hindi siya naghilamos ng mukha dahil ayaw niya mawala ang bakas ng mga labi nito sa magkabilang pisngi niya, kung pwede lang wag ng hugasan ang mukha niya gagawin niya.
“Nrab I’m ready na.” maaga silang nagising balak nilang pumunta sa last destination nila bago sila umuwi ng after lunch.
“Mach ang ikli na naman ng shorts mo” naiinis na sabi ng binata.
“Okay na yan halika na” hinila na niya ng kaibigan para hindi na magreklamo. Hindi maintindihan ni Cham bakit napaka OA ng kaibigan shorts lang kung makareact.
Umarkila sila ng tricycle papunta sa terminal ng jeepney na maghahatid sa kanila sa pupuntahan nila.
“Nrab saan ba ang next destination natin?” dito na sila sa jeep at naghihintay lang na mapuno.
“Secret muna malalaman mo din wag ka excited” inihilig niya ang ulo sa balikat ng dalaga, medyo inaantok kasi siya anong oras na kasi siya dinalaw ng antok sa sobrang saya niya.
“Anong oras ka ba natulog huh? Bakit parang puyat ka?” mahinang tanong nito.
“Binabantayan kasi kita, kaya siguro mga dalawang oras lang tulog ko” tinignan siya ng dalaga at inirapan siya.
“At bakit mo ako binabantayan? Mawawala ba ako” natatawang sabi nito.
Hindi alam ni Brandon ano ang isasagot sa kaibigan.
“A-ah basta hindi lang ako makatulog kanina. Nabitin siguro ako sa ininom natin” palusot niya. Ang totoo ay hindi talaga siya makatulog dahil sa mga halik na nakuha mula sa kaibigan.
Saglit lang ay nakarating na sila sa isang Falls na malapit sa resort.
“Wow Nrab ang ganda dito, halika na gusto ko na magswimming.” Hinila siya nito papasok, ang ganda ng tanawin may mga katamtaman na taas na falls at mga kubo sa baba nito.
Umarkila sila ng isang kubo at umorder ng mga pagkain pang agahan nila.
“Alam mo Nrab ang galing mo nawala lahat ng stress ko sa katawan sa lahat ng adventure na nagawa natin minsan ulitin natin to masarap pala mag out of town paminsan-minsan” masayang sabi sa kaibigan.
“Oo lagi natin gagawin ito, kahit lingo lingo pa”
Mabilis lang silang kumain dahil excited na si Cham magexplore sa paligid at lumusong sa tubig.
“Mach dahan dahan lang baka madulas ka” naglalakad sila sa mabatong daan patungo sa falls, kaya hinawakan niya ito ng mahigpit mukha kasing madulas ang mga bato.
Pagdating nila ay agad tumalon si Brandon sa tubig. Ilang minuto na ay hindi pa ito umaahon.
“Nrabbb” sigaw ng dalaga. Pero wala pa din naahon na Brandon.
Dahan dahan siyang bumaba sa tubig at hinanap ang kaibigan. Sinisigaw pa din niya ang pangalan ng kaibigan pero hindi pa din ito makita, lumangoy siya papunta sa umaagos na tubig ng talon nagaalala na siya sa kaibigan parang any moment ay maiiyak na ito sa pagaalala.
“Nrab hindi na ako natutuwa pag nalaman kung pinagtritripan mo ako may sapak ka sa akin” tinapat niya ang ulo niya sa umaagos na tubig galing sa talon, napaigtad siya ng may biglang yumakap mula sa likod niya.
“Nagalala ka noh?” bulong nito sa tenga ng dalaga.
“Bwiset ka talaga wala kang magawa ano?” humarap siya sa binata at pinagkukurot ito habang maiyak-iyak sa galit.