Chapter 11

25.8K 717 27
                                    

THE BAGUIO seminar ended well. Maliban na lang sa nararamdaman niyang pagkailang. I mean, who wouldn't be?

Sa loob ng tatlong araw roon ay pinilit niya talaga munang lumayo sa lalaki. Not that much distant though. She's still his secretary so they need to stay in touch. Pero mukhang nahahalata rin nito ang pag-iwas niya kaya't ito na rin mismo minsan ang lumalayo.

Hindi siya pabebe. She's just being careful with her decisions. Ang pabebe, nagpapahard to get kahit sa una palang naman ay alam na niya ang desisyon niya. But in her case, she's torn between the two choices. She actually wanted to accept it since she likes him-or well, she just don't like to elaborate what the state of her feelings for him. Kasi aminado naman siya na hindi lang iyon pagkagusto.

But at the same time, she's scared with the consequences. Hindi ba't ang dati 'nun ay parang pinipilit niya lang rin ang sarili sa lalaki? And she doesn't want that.

"I want my coffee in my desk, Ms. Montrez.. " Her boss said when she entered his office after hearing the intercom.

And how can he accept it in the first place if he's also being distant with her? Oo nga't iyon ang gusto niya noong nasa Baguio pa sila but it's been a week! Nagbago na ba ang isip ng lalaki at naghanap na lang ng ibang babaeng papakasalan?

"AGAPE!" A high-pitched familiar voice from a woman enveloped the whole floor. Napangiti na lang siya nang makita ang matalik na kaibigan na naglalakad palapit sa gawi niya. She's walking in grace with her ruffled top and her pencil cut skirt. Nasa balikat pa nito ang lab gowm at may hawak na kape galing Starbucks.

"Are you busy with something, Claresta? Do you perhaps.. got yourself a new boyfriend?" nakangisi niyang tanong na ikinanguso ng kaibigan.

"I'm busy with patients!" giit nito.

She just chuckled. Kilala na niya ang kaibigan at kapag ganitong hindi siya madalas makipagkita ay busy ito sa kung ano-ano. Mukha namang sa lalaki siya busy ngayon. It's a good thing. Excited na siyang ikasal ang kaibigan. If she will not be a mother of her own, mas mabuting magpaka-ninang na lang siya.

"How's your stay here? Maayos ba?" Clare asked and sat at the vacant chair beside her. Hindi naman siya kinakabahan kung makita sila ng boss niya na nagkwekwentuhan habang oras pa ng trabaho. He didn't mind if it was Clare.

"Okay lang.. " tipid na sagot niya. Hindi niya sinasadya pero sa tunog ng pagkakasasabi niya ay may pait.

"You don't need to lie. I know my cousin. Masyado 'yung maraming utos... " natatawa nitong sabi.

Natahimik na lang siya. Hindi naman iyon 'yun e. In fact, she prefer working so she can divert her attention to other things. Hindi yung purong ang lalaki ang iniisip niya.

I mean, she needs a break! Minu-minuto na lang yata ay nasa isip niya ang boss niya, ang singsing, at sa kung ano bang dapat gawin niya.

"Something's troubling you. Do you have a problem? Tell me, maybe I can help.. " Her bestfriend stated and she smiled. Noon pa man ay ang kaibigan na ang lagi niyang takbuhan kapag may problema. She's lucky to have her. Na hindi na niya hinangad pa na magkaroon ng maraming kaibigan. Maybe one is enough. Clare is true and sincere. It will just make her greedy if she asked for more. Sobra sobra pa nga si Clare sa kanya.

"Someone just gave me ring.. " she blurted out.

She waited for her bestfriend's reaction but she looks calm. Nakahinga naman siya ng maluwag roon.

"Is that what bothered you? Why? Marami rin namang nagbigay na sakin ng singsing.. " taka nitong tanong. Napasapo na lang siya sa noo. Akala naman niya ay naiintindihan na nito.

Billionaire Diaries #1: Gray PereiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon