MABILIS na dumaan ang dalawang linggo. Bahay at opisina na lamang ang kinaiikutan ng buhay ni Agape. Hindi niya alam kung pinaparusahan siya ng boss niya o sadyang demonyo lang talaga ang ugali nito.
"Ilang beses ko bang sasabihin na huwag kang magsuot ng palda? Huh, Ms. Montrez? Magslacks ka!" sigaw nito ng makapasok siya sa opisina. Napasapo na lang siya sa noo. Kahit ang damit nito ay pinag-iinitan niya. Kung tutuusin, proper corporate attire naman ang suot niya. Wala naman siyang dress code na nilalabag.
Pinakalma niya ang sarili at humarap sa boss niya. Tumikhim pa siya para kahit papano'y maibsan ang inis niya. "I'm sorry sir. Hindi na po mauulit." paghinging tawad niya kahit sa loob loob ay gusto na niyang sampalin ito.
Wala naman siyang slacks na maayos. Hindi naman siya makabili dahil kahit day-off nito ay pinepeste siya ng boss niya.
"Siguraduhin mo lang. Kapag nakita ko pang ganyan ang suot mo bukas, hindi ko lang alam kung saan ka aabutin Ms. Montrez." usal nito at bumalik na sa ginagawa niya.
Napairap naman ito ng palihim. Ang arte-arte. Akala mo naman ngayon lang nakakita ng babaeng nakapalda. Sa dami ng babaeng tinaboy niya na pumupunta sa opisina, kulang na lang eh gawing bar ang opisina dahil sa mga damit na kinulang sa tela. Ang pinakakonserbatibong nakita niya ay ang mini skirt na hanggang sa kalahati ng hita. Kaya't nagtataka siya na inis ito sa suot niya. Hanggang tuhod na nga iyon at wala namang kakaibang nakikita dahil maayos naman ang tabas ng tela.
"Hindi pa ba nakakaakyat ang financial department dito? Ilang minutong late na ang financial reports na kailangan ko!" sigaw nito na nagpakaba sa kanya. "Baka papunta na po sir." sagot niya na lamang habang namamawis ang kamay. Natatakot siya para kay Mr. Francisco na taga-hatid ng dokumento mula sa financial department. Tiyak na mawawalan ito ng trabaho. Ilang beses na niya itong nakakwentuhan at masasabi niyang mabait ito at masipag.
"Call him immediately and kick his ass in my com-
Napatigil ito sa pagsasalita ng bumukas ang pinto at pumasok si Mr. Francisco na bakas ang takot sa muka at nanginginig na inilagay ang folder sa desk ng boss niya.
"Get out, you're fired!" sigaw nito na ikinagulat ng lalaki ganon na rin siya. "P-asensya na sir, h-indi na po mauul-it. K-inailangan lang po ako ng...a-sawa ko sa h-osp-ital-
"Not accepted. Leave bago pa kita ipakaladkad sa security." turan nito.
Naaawa siya sa lalaki. Ilang minuto lang naman itong late at galing pa sa hospital. Siguradong mas kakailanganin nito ng pera ngayon. Naikwento nitong malapit ng manganak ang asawa niya kaya siguro galing ito sa hospital.
Wala sa isip na tumayo siya at hinawakan sa likod ang nanlulumong empleyado. "Bumalik ka na sa department niyo. Ako nang bahala kay Mr. Pereira." sambit niya at nakita naman niya ang pagtango nito.
Pagkaalis ng empleyado ay nagtatanong na tumingin ang boss niya sa kanya. Bakas ang iritasyon sa muka nito at tila handang handa nang sigawan siya.
"Uh-m, sir, bigyan niyo na lang po sana siya ng pagkakataon pa. Masipag po magtrabaho si Mr. Francisco at siguradong kailangan nito ng trabaho nga-
"Do you like him?" tanong nito na ikinagulat niya. "H-uh?"
Nag-iwas naman ito ng tingin at kapagkuwan ay bumalik na rin ang iritasyon sa muka nito.
"Anong karapatan mong pigilan ang desisyon ko?" tanong nito na agad niyang ikinayuko. "You're just a mere secretary na kailangang sundin ang mga utos ko!" sigaw nito na ikinatahimik niya na lamang. Siya ang may mali at wala siyang karapatan na magalit sa boss niya.
"Damn!" malakas na mura nito. "Don't make me break the rules, Agape. Please, I'm begging." mahinang sambit nito na ikinakiliti ng puso niya. Napailing siya.
BINABASA MO ANG
Billionaire Diaries #1: Gray Pereira
RomansaGray Pereira doesn't believe in the word love. Eversince his mother died, he already kick his self out of the existence of love - the word he hates to the depth of a fiery pit. But as his life bumped to a woman named Agape, he lost. Agape Montrez e...